Tuesday, November 01, 2005

92

11/01/05

Pablo is set on a collision with Imang and Lorenzo as Bernadette mixes up a double date.

91

10/31/05

Who will save Bernadette after Sikarma tricked her into touching a deadly mysterious jar?

90

10/28/05

Bernadette's creature friends helps her weigh her feelings between Pablo and Lorenzo.

89

10/27/05

Lucia calls Jacinta a traitor for conniving in making her believe that Antonio is dead.

88

10/26/05 Don Fransisco rubs into Anghel's mind that he has nowhere to run and no secrets to squeal.

87

10/25/05

Another unguarded transformation awaits the unexpecting Bernadette and Martin.

86

10/24/05

Grand Mamang warns the sisters of a vision she had that Imang faces a very dark future.

85

10/21/05

After successfully seducing Luke, Agatha threatens to kill herself if he doesn't marry her.

84

10/20/05

Bernadette decides to test the sincerity of Pablo's love by letting him into her secret.

83

10/19/05

The sisters' powers are tested as they go on a "mission impossible" to heal Grand Mama.

82

10/18/05

As they were melting away, the Ik-Iks recount how Grand Mama suffered a different fate.

81

0/17/05

The secret of Imang's mystical candle is finally revealed to Father Agaton.

80

10/14/05

Witness the divine miracle that will save the sisters from the clutches of a fiery death.

79

10/13/05

Hounded by the townspeople, can the three sisters escape?

78

10/12/05

Unsuspecting of Agatha's trap, Bernadette gets attacked by a vicious carnivorous plant.

77

10/11/05

Now that Clark is out of their way, Martin's camp work on silencing Bernadette... for good.

76

10/10/05

What secret will Agatha chance upon as she eavesdrops on Anghel inside the church?

75

10/07/05

Emotions of sorrow and happiness come together in Clark and Lucia's grand wedding.

74

10/06/05

Lourdes' hopes for her business are renewed with the proposal of her new partner.

73

10/05/05

Will Lucia finally awaken to Agatha's hypocrisy after she helped lock Imang away?

72

10/04/05

Bernadette questions Agatha's character as she senses an impostor within her.

71

10/03/05

Bernadette seeks the help of her feathered friends to locate and rescue the sisters.

70

09/30/05

Troubled by her escape, Otlum and Maluk are surprised to see a different Veronica.

69

09/29/05

Grateful for saving her life, Lourdes lets Agatha stay in her home.

68

09/28/05

Who is this mystery character who risked her life for Lourdes?

67

09/27/05

Though seeking for happiness, A more shocking truth breaks Lourdes' heart.

66

09/26/05

The most awaited moment has come where Bernadette reveals to Lourdes her true identity.

65

09/23/05

Martin has gotten hold of Bernadette's secret. Is this his chance to finally dispose of her?

64

09/22/05

With the spread of the "Hello Gabriel" CD, the townsfolk and media charges to get Veronica.

63

09/21/05

Don Francisco is troubled by the spread of a wiretapped conversation implicating Veronica.

62

09/20/05

Will Anghel have the conscience to kill his own brother upon Don Francisco's orders?

61

09/19/05

What could the sisters do to persuade Gabriel to tell the truth?

60

09/16/05

Was it really Imang who Anghel saw? Or was he just being bothered by his conscience?

58

09/14/05

Maluk and Otlum carry out their plan on abducting Bernadette after an attack at the mansion.

Sinabihan ni Lucia si Bernadette na bigyan nang chance si Luke at matututunan din niyang mahalin ito. Tinanong naman ni Bernadette kung bakit si Martin noon ay hindi binigyan nang chance ni Lucia. Sinagot naman siya ni Lucia na dahil sa mga oras na yon ay mahal na mahal nya si Antonio.

Inipon ni Grand Mangkukulam ang lahat nang mangkukulam para i-counteract ang mga evil plans ni Martin.

Dumating sa party ang Malaysian businesswoman just to tell infront of everyone that the deal is off. With her broken English sinubukang pakiusapan ni Bernadette ang Malaysian BW.

Sumalakay ang mga Ik-Ik pero nailigtas nang tatlong sisters si Bernadette. Habang nagkakagulo ay dumating si Maluk at Otlum sa Mansion at kinidnap si Veronica.

59

09/15/05

The media accuses Lourdes of stirring up publicity for reporting the winged creature's attack.

57

09/13/05

Bernadette finally revealed who she really loves.

56

09/12/05

Lucia confronts Lourdes for scolding Luke.

55

09/09/05

Martin orders to gather all of evil's forces and prepares to work out his vicious plan.

54

09/08/05

Veronica teases Bernadette to be a Cinderella who changes appearance every midnight.

53

09/07/05

Cold-hearted Lorenzo suddenly turned romantic after his wish to see Imang was granted.

51

09/05/05

As Otlum returns with greater black magic, Grand Mamang cautions the sisters to be vigilant.

Episode Fifty Two

09/06/05

What will happen next after Veronica finds out about Bernadette's deepest secret?

Umiiyak si Lucia sa tabi ni Clark habang natutulog ito. Bakit ang lahat ng mahal niya ay nawawala sa kanya---si Antonio, ang anak niya, ang kapatid niya at ngayon si Clark. Pumasok si Lourdes sa kwarto nila Lucia at may dalang pagkain. Tinarayan ito ni Lucia at sinabing hindi mapapagaling ng pagkain nito ang asawa niya.

Nasa kampanaryo si Lorenzo at hinihiling pa rin na magpakita si Imang. Dumating si Imang at masayang nagyakap ang dalawa. Gustong sabihan ni Lorenzo ang mga sisters na buhay siya. Sinabi ni Imang na dapat walang makakaalam na buhay siya dahil papatayin lang siya. Nagkatutoo daw ang sinabi ni Bernadette. Sinabi ni Imang na magtiwala si Lorenzo kay Bernadette.

Umuwi si Imang at nakita ito ni Veronica. Hindi alam ni Imang na sinusundan siya ni Veronica. Pumasok si Imang sa kwarto at sumunod si Veronica. Lumabas si Bernadette galing sa pinagtataguan niya ng kandila. Nagkita sila ni Veronica, nagulat si Veronica ng makita si Bernadette na suot ang damit na suot ni Imang.

Humiling si Clark ng asparagus soup kay Lucia. SInabi ni Bernadette na merong asparagus sa restaurant kung saan nagtratrabaho si Pablo. Pumunta si Bernadette sa restaurant at nagasaran na naman ang dalawa ni Pablo. Pinagtawanan ni Bernadette si Pablo dahil wala itong birth certificate na ikinalungkot naman ni Pablo.

Sinabi ni Veronica kay Martin na alam niya na kung sino ang kuba. Sinabi nitong si Bernadette at Imang ay iisa. Paano daw nakakasiguro si Veronica kung hindi nito alam kung paano nagbabago ng anyo si Bernadette. Ito ang dapat niyang malaman.

From: Kampanerang Kuba Page in Network54

50

09/02/05

Bernadette came home and Luke was waiting for her just outside the mansion. He looked a bit pissed and he asked Bernadette where she's been all day. And Bernadette didn't quite get it so she said something like "No, it's not day Luke coz the heaven is black..."
Then when Bernadette told him that she was with Lorenzo, Luke started getting jealous.

Lorenzo and Father Agaton talking.

Pablo and he was still looking for his birth certificate. His mother got angry and she still refused to give him his birth certificate.

Luke and Lucia talking. Luke told his Step Mother that he thinks Bernadette is seeing someone else. But Lucia said not to worry and that they would find a way to get Bernadette to focus all her attention on Luke and Luke alone.

There was a phone call for Lucia from none other than Papa Clark. He told Lucia he's coming back home and Lucia was very happy.

Bernadette was still in her jammies when Luke came into her room to bring her breakfast. Bernadette looked so confused. Luke on the other hand still looked a bit cranky rather jealous and he told right out to Bernadette that he's jealous of Lorenzo and that he doesn't like her seeing other guys.

Bernadette didn't understand most of what Luke said to her because her English is poor. Luke couldn't hide his feelings anymore and he told Bernadette in plain English that he likes her and he thinks he's falling in love with her and he wants to date her EXCLUSIVELY!
Bernadette's answer was a big frown. Either she didn't fully understand Luke's declarations of love or she just pretended she didn't understand him.

Lucia in the kitchen cooking pasta for Clark. Bernadette entered and they chatted for a bit about Clark and then Lucia said "Mas maganda or masaya siguro kung papansinin or mamahalin si Luke ng babaeng mahal nya". But Bernadette said she already loves someone else. Lucia said Lorenzo's name and Bernadette became quiet. May iba ng mahal si Bernadette?! Huwaaatt?! Sinoooo?! Does this mean Luke is out already?!


Clark was finally back home. Clark and Lucia kissed and hugged each other. Luke and Lucia were both teary-eyed because Clark looked so frail. They talked about his condition for a bit but Clark didn't want them to be sad so he changed the subject. He put on a big smile and looked at Bernadette and said "Is this the little Lucia I've been dying to meet?" Then Lucia introduced Bernadette to him and Bernadette gave her Papa Clark a kiss on the cheek and then Clark said something like "this calls for a celebration..we're one big happy family.." and then they had a group hug.

Martin is back to his human form and his sidekick, sad to say is also back. Martin has some evil plans.He promised the Ik-Ik that he will help them out also with their problem with the Three sisters.

Episode Fourty Nine

09/01/05

Don't miss Eva Eugenio, Imelda Papin, and Claire Dela Fuente in a rare spectacular number!

Episode Fourty Eight

08/31/05

Nawindang si Lorenzo at biglang niyakap si Imang pero pinatulog siya ni sister Cecilia! Kawawang Lorenzo miss na miss na si Imang. Pagkasindi nung kandila naging maganda na ulit si Imang pero pumangit si Martin na nahihirapan din sa pagpapalit nila ni Sykharma ng itsura. Nagpunta si Martin at Sykharma kay Maluk, parehong nagiisip ng paraan para bumalik na sila sa dati. Hindi na muna sila uuwi sa mansyon para walang makakita sa kanila.

Pagkauwi ni Imang, este Bernadette sa bahay alalang alala si Lucia kung saan na siya nanggaling. Dadalhin na siya ni Lucia sa America! Hala paano na si Lourdes? Samantala si Sykharma at Martin sinubukang makipagdeal kay GrandMa pero hindi nila ito maloko. At ano na nga bang nangyari kay Lorenzo? Ayun nagising at bigla biglang sinabi kay Father Agaton at Lourdes na buhay si Imang! Patay tayo niyan.

Kinabukasan sinabi ni Bernadette kay Lucia na ayaw niya sumama sa America, and get this sinabi rin niyang si Lourdes ang tunay niyang ina. Hala ang gulo na ng mga pangyayari ha. Nagdiskusyon sila, hindi maisip ni Lucia ang gagawin para makumbinsi ang anak niya. Samantala si Lorenzo at Lourdes nagdidiskusyon din kung ano ang koneksyon ni Imang sa kandilang maganda.

Nagpunta sa restaurant si Bernadette para makiusap sa may-ari para mabalik kay Pablo ang trabaho niya. Miss na miss na ni Lourdes ang anak, nagtataka siya kung bakit naiiyak rin si Bernadette na pinapanuod siya. Makakutob na kaya si Lourdes na si Bernadette ay may kinalaman sa anak niyang nawawala?

Episode Fourty Seven

8/30/05

Nakauwi na si Bernadette at si Luke mula sa kanilang dinner, humingi rin ng dispensa ang dalaga sa nangyari sa kanila nung gabing yun. Si Sykharma naman iniisip ang nais na sabihin ni Maluk sa kanila nang bigla namang pumangit na muli si Martin! Nakausap na rin ni Marcelina at Clara sina Cecilia at GrandMa sa kawa pero hindi pa sila matutulungan ng kapangyarihan ni GrandMa!

Pinatay ni Lorenzo ang mahiwagang kandila! Nagbalik tuloy si Imang sa dating anyo niyang kuba at si Martin bumalik na sa lupang anyo niya! Nang magtago si Imang nagkasalubong sila ng kanyang ama! Humingi ng tulong ang mga ibon kay sister Cecilia habang dinala ni Martin si Imang sa kung saan. Nagpunta na si GrandMa at sister Cecilia sa kinaroroonan ni Martin at Sykharma kaya naligtas si Imang!

Hahaha at ngayon iisa nalang si Sykharma at si Martin! Naku si Oklub kasama pala ni Marcelina at Clara sa kinalalagyan nila! Pagbalik ni Cecilia sa kwarto nila nawawala ang kandila, kaya hinanap niya ito kay Father Agaton. Nang hindi makita kay Father, nakutuban na ni Imang kung nasan ang kandila. Kinuha niya kay Lorenzo ang kandila pero nagising ito! Nakita siya ni Lorenzo! Naku po naku po!

Episode Fourty Six

08/27/05

Plano palang lasingin ni Veronica si Luke at inutusan niya si Gabriel na lagyan ang iinumin ni Luke ng gamot. Si Lorenzo naman nadiskubre ang mahiwagang kandila sa kwarto ng mga sister! Nilabas niya ang kandila sa kwarto at kinausap?!? Aalagaan daw niya ang kandila?!? Mukhang nageenjoy naman si Luke at Bernadette sa date nila pero biglang nakita nila si Pablo na waiter sa restaurant na yun.

Si Lucia naman inaaway si Lourdes dahil malapit ang anak niya sa kapatid, baka daw may binabalak ito laban sa kanya. Lalo talagang nagkakaaway ang dating malapit na magkapatid na ito. Nakipagusap naman si Bernadette kay Pablo, natutuwa ito dahil nakinig daw siya sa payo nito. Sinusulat na ni Maluk ang tungkol sa sikreto ni Imang! Pero hindi ito marunong sa spelling kaya hindi rin niya naibunyag ang lihim kahit na nagcharades pa siya.

Bothered naman si Bernadette sa inabot ni Pablo kaya hiniling niya kay Luke na kausapin niya ito. Nang magkausap na sila, okay na sana ang pakiramdam ni Pablo kaya lang nasisante siya sa trabaho! Nakipagdeal naman si GrandMa kay Maluk, inilabas siya nito sa garapon para maturuan siya magspelling. Dahil hindi naman masaya si Bernadette na kasama siya ay hinayaan ni Luke na puntahan niya si Pablo.

Nagtapat si Pablo ng pagibig kay Bernadette at nainis lang ang dalaga. Muntik na niyang masabi ang katotohanan pero tinawag na siya ni Luke. Asan nga ba napunta si sister Marcelina at sister Clara? Parang madilim doon pero ang importante magkasama sila. Si Lourdes kinausap ng kanyang papa, kinukumbinsi niya ang bunsong anak na harapin na ang kanyang ate. Pabagsakin daw niya si Lucia pero wag pagkatiwalaan si Martin!

It looks as if Lucia and Lourdes are on two separate pathways and will be headed on a collision course!

Episode Fourty Five

08/26/05

Wala ng bibig si Maluk kaya hindi na siya makapagsalita, kaya dinaan niya sa charades ang pagsasabi kay Sykharma tungkol kay Bernadette pero hindi siya naintindihan nito kaya nabugbog pa siya.
Si Lucia naman napagalitan ng tatay niya dahil sa pakikialam nito sa mga negosyo niya. Pinilit ni Imang si sister Cecilia na dalhin siya sa dalawa pa niyang nanay madre, hirap na hirap ang kalooban niya sa sinapit ng mga madreng nagpalaki sa kanya.

Aba si Pablo natanggap na bilang waiter! Naku si Lucia binili na rin ang bakahan kaya silang dalawa ni Veronica ang mamamahala dito. Patuloy naman atang nagiging malapit si Luke kay Bernadette at napipikon na si Veronica! Kinakabahan si Bernadette sa magiging date nila ni Luke kaya tinulungan siya ng mga kaibigan niyang daga at ibon.

Nagsisikap ng husto si Pablo sa bago niyang trabaho bilang waiter. Si Lourdes naman nangumpisal kay Padre Agaton at inilabas ang lahat ng sama ng loob niya. At nang makita ni Luke si Bernadette mukhang nahulog na ito ng tuluyan para sa kanya. Si Veronica nakikipagplastikan kay Bernadette at kay Lucia? At si Lucia nagseselos sa concern na pinapakita ng anak sa kapatid niyang si Lourdes?

Sinabi naman ni Lorenzo kay sister Cecilia na magpapari na siya. Si Sykharma inaamo na si Maluk para magsabi na ito sa kanya ng mga plano. Nakahanap na ito ng paraan para masabi kay Martin ang katotohanan, isinulat niya ito sa papel! Naku paano na ito?!!!

Episode Fourty Four

08/23/05

Reklamo ng reklamo ang mga ik-ik dahil paborito daw ni GrandMa ang mga apo nito. Nagsuggest tuloy si Martin na si Grand Mangkukulam nalang ang unang patayin nila para wala na silang problema. Sina Marcelina at Clara naisip na pwede na silang mamatay dahil wala na rin namang gulo.

Nilapitan nila si GrandMa para hilingin ito pero hindi ito pumayag. Aalagaan daw niya ang mga apo niya at poprotektahan. Minutes later talagang napatunayan niya ang sinabi dahil kinalaban siya ng mga ik-ik. Lumiit siya, napasok sa loob ng garapon at nawalan ng powers. Pero si Oklub naging pusit, nakaganti rin kahit pano si GrandMa!

Samantala sina Lucia at Lourdes pinapairal pa rin ang pride nila at hindi pa rin sila nagbabati. Si Martin at Veronica gumawa na naman ng plano para maibalik si Luke sa kanya. Kunwari ay okay na kay Veronica na iba ang gusto ni Luke. Tuso nga naman talaga itong babaeng ito!

At aba si Lourdes palaban na! Nang minsang subukan siyang saktan ni Martin, ginantihan niya ito. Isang tadyak ang inabot ng asawa niyang inutil. Si sister Cecilia nagpaalam na kay Father Agaton para magtago kasama ng mga mangkukulam niyang kapatid, sina Martin, Sykharma at Maluk isinasagawa na ang plano nila para mapabalik ang mga madre sa kaharian ng mga mangkukulam para maatake na sila ni Incredible Kuba!

Mamamatay na nga ba ang ating mga favorite na sisters?

Episode Fourty Three

08/12/05

Naku sina Clara at Marcelina pala ang nakita ni Cecilia kahit na mukha silang mga aswang! Masayang masaya na si sister Cecilia kasi mabubuhay pa ang mga sisters niya saka magigising na si Imang. Itutuloy na nila ang planong gisingin si Imang sa pamamagitan ng halik ng tunay na pagibig. Si Anghel nagpapakita ng concern kay Jacinta, payag na kasi itong magpakasal siya. Nalungkot siya kasi hindi na raw siya mamahalin ni Jacinta. Nakiusap naman si Lucia kay Jacinta na tulungan siyang itakas si Lourdes para hindi ito madala sa mental hospital.

Binigyan na ni sister Cecilia ang mga kwintas na enchanted si Lorenzo at Pablo, si Luke nalang ang kailangan bigyan para sabay sabay silang magsleepwalk. Sa mansyon narinig ni Veronica si tita Lucia niya at si Luke na itatakas nila ang mama niya. Nang magsumbong ito sa daddy niya, gumawa rin ito ng plano. Uunahan daw niya sina Lucia pero na-overhear din sila ni Jacinta.

Nagpaalam na si Jacinta kay Antonio at kina Teresing, lalayo na muna raw siya dahil nga sa gagawin niyang pagpapakasal kay Anghel para maitago ang sikretong buhay pa siya. Kawawang Jacinta, hindi niya alam magpapakasal siya sa wala, dahil nasabi na ni Anghel kay Don Francisco na buhay pa si Antonio. Si Martin nauubos na ang Wali ng Naabukak, anong mangyayari kaya kapag naubos na ito? Si Veronica naman nagmomotivate para raw maiyak siya kunwari sa pagkuha sa mommy niya, napakatwisted talaga nitong babaeng ito.

Naibigay na rin ni sister Cecilia ang enchanted na necklace kay Luke, sa gabing iyon sabay sabay nilang papapuntahin sina Luke, Pablo at Lorenzo sa kampanaryo habang tulog sila. That night while Marcelina, Clara and Cecilia weave their magic on the steps of the church, Pablo, Luke and Lorenzo begin to sleepwalk to the church. Pagakayat nila tila dream sequence ang mga pangyayari!

Isa isang humalik sina Pablo, Luke at Lorenzo sa napakagandang Imang na natutulog pa. At sa wakas nagising na si Imang! Pero teka kaninong halik ang gumising sa kanya?

Episode Fourty Two

08/10/05

Nagkausap si Veronica at Lucia dahil hindi ito makatulog, nasabi ni Lucia na Antonio ang pangalan ng asawa niyang namatay nagtaka tuloy si Veronica. Samantala naghahanap pa rin ng sagot ang mga nanay madre tungkol sa tunay na pagibig ni Imang. Samantala si Pablo talagang hindi maprente sa isang tabi, biglang napakantang hindi yata niya makakaya kapag nawala ng tulyan si Imang! Uuuyy in love, waaah may mga luha sa mata ni Pablo!

Namumublema naman si Martin dahil patuloy talagang hinahanap ni Lucia ang anak niya kaya pinayuhan siya ni Sykharma na iligaw si Lucia. Sinabi ni Martin kay Lucia na hiwalayan nito si Dr. Clark at sumama sa kanya ay sasabihin nito kung nasan ang anak niya. Eh di lalong nagalit si Lucia! Naku kinausap tuloy ni Dr. Clark si Martin, pag nilabas daw nito ang anak ni Lucia ay aalis siya! Wag Dr. Clark ano ba?!

Aba pumayag naman si Martin at pinagiimpake na ang gwapong si Dr. Clark. Kinabukasan nagiwan ng sulat si Dr. Clark sa asawa at hindi matigil sa pagiyak si Lucia. Samantala sina sister Clara at sister Marcelina unti-unti ng mawala dahil sa kasunduan nila sa mga ik-ik. Nagpapanic na si sister Cecilia dahil di niya alam ang gagawin, maiiwan na siyang magisa sa simbahan! Sumama na ang dalawang madre sa kanilang Grand Mangku.

Habang kinakausap ni Jacinta si Teresing ay inabot siya ni Anghel! Patay! Sina sister Marcelina at sister Clara pumayag nang maging mga mangkukulam at i-give up ang kanilang pagiging madre para lang matulungan si Imang. Hala bibinyagan na sina sisters. Si Lourdes ayun nagpunta pala sa simbahan at dumirecho sa kampanaryo! Makita kaya niya si Imang? May magawa kayang paraan sina Mabait at Kaibigan?

Episode Fourty One

08/09/05

Sino ang true love ni Imang? Yan ang tanong na dapat natin masagot sa linggong ito.

Hindi talaga titigil si Lorenzo na alamin kung ano ang nangyari sa kaibigang mahal niya. Habang ang tatlong nanay madre nagdedebate kung sino ang true love ni Imang para magising na ito. Lahat sila magiinterview ng isang lalaki para malaman nila ang nararamdaman ng mga ito para kay Imang.

Si sister Cecilia ang kumausap kay Lorenzo, napakagandang bible verse ang sinagot ni Lorenzo sa tanong niyang what is love. Dala daw ni Imang ang puso ni Lorenzo, wala na raw siyang mamahaling iba kundi si Imang! Si sister Clara naman kinausap si Luke ng may British accent pa! Kung mabibigyan daw ng pagkakataon si Luke, mamahalin daw niya si Fatima! Uuuyy!

Si sister Marcelina naman kinausap si Pablo, patawa talaga si Pablo pero halatang halata na ang feelings niya kay Imang nang kulitin si sister. Lahat gagawin niya para makita ulit si Imang! Samantala nalaman na rin ni Jacinta na alam na ni Lourdes ang katotohanan. Nagalala rin ito para sa kaligtasan ni Lourdes.

Nagvolunteer naman si Pablo na magkampana muna habang wala pa si Imang, gagawin daw niya yun para makabawi daw. Nais din daw niyang buhayin ang alaala ni Imang. Pumayag si Father pero nang paakyat na sila sa kampanaryo ay nagpanic ang mga sisters. Ginamit ni sister Cecilia ang powers niya para gawing invisible si Imang sa taas pero nagshake ang kampanaryo kaya bumaba nalang sila.

Bigla namang nagiba ang ihip ng hangin, sinabi ni Lourdes na si Veronica ang anak niya at walang kuba. Nahihirapan naman magdecide ang mga sister kung sino ang true love ni Imang kaya bumalik sila sa GrandMangkuku nila. Si Martin pinaplano namang dalhin na sa ospital ng mga baliw si Lourdes para hindi na siya paniwalaan pa at papatayin nila si Doc Pogi Clark! Waaaah wag wag!

Episode Fourty

08/05/05

Inabot ni Martin si Lourdes sa kwarto nila na umiiyak at nang tanungin niya kung ano ang problema nito, galit na galit siyang pinaghahampas at sinigawan ni Lourdes! Sinaktan na naman niya ang asawa at tinawag itong baliw! Sobrang galit at lungkot ang nararamdaman ni Lourdes sa pagkawala ng kanyang anak.

Nagdedebate naman ang mga kaibigang ibon at daga ni Imang kung ibibigay ba nila ang "seed of life" o hindi? Baka daw kasi makasama pa ito kay Imang. Nang matapos ang diskusyon, ibinigay din nila ito kay Imang at nagkapulso ito at biglang nakakahinga na! Gulong gulo naman si Lucia at Jacinta sa nangyayari kay Lourdes ni ayaw kasi nitong magsalita, si Veronica naman naiinis dahil hinahanap pa rin ni Luke si Imang.

Pero bakit hindi magising si Imang kahit na may pulso ito at humihinga? Kapalit daw ng buhay niya ang mahimbing na tulog! Worried na worried na si Lucia para sa kapatid, kinausap niya ang asawa at baka daw dapat na nila ito ipatingin sa doktor. Naghanap sila ng espesiyalista para makausap si Lourdes.

Samantala si Luke, Lorenzo at Pablo nagiiringan man nagtulong tulong sa paghahanap kay Imang. Matapos makausap ang doktor, pinuntahan nina Lucia at Jacinta si Lourdes sa kwarto niya pero nawawala ito! Ayun nasa may bangin, ipinagluluksa ang anak na inaakala niyang namatay doon. Pero wait may balak ba siyang tumalon? Naku wag Lourdes!

Episode Thirty Nine

08/03/05

Pagkauwi ni Veronica nagaway na naman sila ni Lourdes! Kung bakit daw kung anu anong kasinungalingan na naman ang sinabi ni Veronica. Kapag may nangyaring masama daw kay Fatima humanda daw si Veronica! And when Lourdes confronts her husband, nagdeny din ito sa kanya. Hindi na mapakali si Lourdes sa pagaalala sa nangyari kay Imang.

May mga nakakita naman kay Imang sa may bangin kaya tumawag sila ng tulong sa mga awtoridad. Frustrated naman ang madre dahil hindi nila mahanap si Imang, sinisisi na ni sister Cecilia ang sarili niya sa mga nangyayari. Samantala si Pablo at Lorenzo hindi na malaman ang gagawin nila para mahanap si Imang, nakisama pa si Luke sa kanila.

Habang nagsisisi si Pablo sa lahat ng pangaaway na ginawa niya kay Imang, nagdadasal naman ng taimtim si Lorenzo para sa babaeng iniibig niya. Ang mga kaibigang ibon ni Imang hinahanap din siya kasama ang iba pang mga ibon. Hindi naman makita ng mga nanay madre sa kawa si Imang, baka daw patay na ito.

May natagpuan daw na kuba sa bangin pero patay na, si Imang ba ito? Pero natagpuan din ng mga ibon ang katawan ni Imang at inilipad nila ito. Si Veronica pinasalamatan pa ng mga representatives ng France sa paghanap daw ng nagnakaw ng korona. Ay sus? Yung halang pa ang kaluluwa ang ang nabigyan ng reward?

Episode Thirty Eight

08/02/05

Naginterview si Veronica at kung anu-anong kasinungalingan ang sinabi niya tungkol kay Imang at sa diumano'y pagnanakaw nito ng korona. Habang si Imang kinukuyog ng tao, she's driven to the rooftop by an angry mob of people clamoring for justice! Who will save our heroine? Samantala nasa crowd ang mga nanay madre at pilit na pumapasok sa simbahan para isave si Imang at si Lorenzo naman pinapakalma si Padre Agaton.

Dumating na rin si Pablo at Luke, ang una'y hindi naiintindihan na pinagbibintangan si Imang at ang pangalawa para tumulong sa kubang naging mabait sa kanya. Nakipagsagutan pa si Luke kay Veronica na kinukumbinsi siyang si Imang ang magnanakaw. Umiiyak si Imang na kinakausap si Lorenzo at Pablo, ayaw daw niya na bumaba dahil papatayin daw siya ng mga tao.
Samantala si Lourdes halos magpanic na sa pagwoworry para sa nagalaga sa kanya. Nagpunta na rin ito sa simbahan kahit pinipigilan siya ng ate Lucia niya. Si Veronica naman niloko si Imang para bumaba na ito mula sa bubong. Sumunod naman ito pero sa pagbaba niya, sinaktan siya at nabugbog ng mga taong bayan. Nakita na ni Luke ang tunay na pagkatao ni Veronica!

Wala namang magawa si Lorenzo at Pablo para tulungan si Imang, kitang kita ni Lourdes kung paano sinaktan at tinali si Imang ng lubid na makapal. Kahit si Padre Agaton hindi na mapakali sa pagiisip kung ano na ang nangyayari kay Imang. Itinali na ito sa isang kabayo at si Martin pa ang magpapatakbo nito! Kawawa naman ang ating bida, kinaladkad ng kabayo! At ng mawalan na siya ng malay itinapon siya ni Martin sa ilog! Sadness naman!

Ano nang mangyayari sa ating bida? Paano niya malalagpasan ang pagsubok na ito? Mabuhay pa kaya si Imang?

Episode Thirty Seven

07/29/05

Patuloy na nakikipaglaro si sister Cecilia kay Martin, nakikipaghabulan pa ito porke't hindi siya makita ni Martin. Sa init ng ulo ni Martin, nakapagplano sila ni Sykharma na ibuwelta ang sisi kay Imang. Naku anong gagawin nila sa ating bida? Ay sus Imang bakit mo naman napagdesisyunang kunin ang korona at isauli nalang ito? Eh lalo kang mapapahamak niyan eh.

Sa pagkuha niya ng korona sa bodega, inabot siya ni Veronica! Kinuha ni Veronica ang korona at ikinulong si Imang sa bodega. Pinapunta niya ang mga kaibigang daga sa mga nanay madre para tulungan siya makawala. Si Pablo naman asa mga Durano, hinihintay si Imang at may gusto daw itong itanong. Si Lourdes naman nagconfide na sa kanyang ate, tungkol sa doubts niya kung anak nga ba niya si Veronica o hindi.

Si Martin at Veronica naman nagplano na kung paano nila lolokohin si Imang para tuluyang siya ang madiin sa pagnanakaw ng korona. Bumalik si Veronica sa bodega at nagsorry kay Imang according sa plano nila, isasauli na raw nila ang korona. Nagpatulong pa ito sa pagsosoli ng korona, at dahil malambot ang puso ni Imang pumayag ito!

Si Lucia sinabi rin ang mga hinala niya kay Doc Pogi, ay Doc Clark pala! Iniisip niyang si Veronica ang tunay niyang anak. Habang ang mga nanay madre naman nagmamadaling sumaklolo kay Imang pero pagdating nila doon sa mansyon pinagtakpan ni Imang si Veronica at Martin. Iniisip tuloy ng mga nanay madre kung anong nangyari kay Imang!

Bumisita si Pablo at Lorenzo at the same time kay Imang kaya hindi makapaniwala si Aling sarah. Pareho pa silang may pasalubong kay Imang, teka alam natin si Lorenzo nililigawan si Imang pero si Pablo?!!! Waaaah kilig! Lucia confronts Martin about Veronica's true parentage pero siyempre nagdeny naman si Martin.

Sinabi ni Martin na nung gabing nanganak sila, nakakuha si Antonio ng tatlong milyong piso para lumayo ito kasama ng kanyang anak. And Martin puts Jacinta on the spot. Sasabihin kaya ni Jacinta na totoo ito? O hindi?
Patuloy na nakikipaglaro si sister Cecilia kay Martin, nakikipaghabulan pa ito porke't hindi siya makita ni Martin. Sa init ng ulo ni Martin, nakapagplano sila ni Sykharma na ibuwelta ang sisi kay Imang. Naku anong gagawin nila sa ating bida? Ay sus Imang bakit mo naman napagdesisyunang kunin ang korona at isauli nalang ito? Eh lalo kang mapapahamak niyan eh.

Sa pagkuha niya ng korona sa bodega, inabot siya ni Veronica! Kinuha ni Veronica ang korona at ikinulong si Imang sa bodega. Pinapunta niya ang mga kaibigang daga sa mga nanay madre para tulungan siya makawala. Si Pablo naman asa mga Durano, hinihintay si Imang at may gusto daw itong itanong. Si Lourdes naman nagconfide na sa kanyang ate, tungkol sa doubts niya kung anak nga ba niya si Veronica o hindi.

Si Martin at Veronica naman nagplano na kung paano nila lolokohin si Imang para tuluyang siya ang madiin sa pagnanakaw ng korona. Bumalik si Veronica sa bodega at nagsorry kay Imang according sa plano nila, isasauli na raw nila ang korona. Nagpatulong pa ito sa pagsosoli ng korona, at dahil malambot ang puso ni Imang pumayag ito!

Si Lucia sinabi rin ang mga hinala niya kay Doc Pogi, ay Doc Clark pala! Iniisip niyang si Veronica ang tunay niyang anak. Habang ang mga nanay madre naman nagmamadaling sumaklolo kay Imang pero pagdating nila doon sa mansyon pinagtakpan ni Imang si Veronica at Martin. Iniisip tuloy ng mga nanay madre kung anong nangyari kay Imang!

Bumisita si Pablo at Lorenzo at the same time kay Imang kaya hindi makapaniwala si Aling sarah. Pareho pa silang may pasalubong kay Imang, teka alam natin si Lorenzo nililigawan si Imang pero si Pablo?!!! Waaaah kilig! Lucia confronts Martin about Veronica's true parentage pero siyempre nagdeny naman si Martin.

Sinabi ni Martin na nung gabing nanganak sila, nakakuha si Antonio ng tatlong milyong piso para lumayo ito kasama ng kanyang anak. And Martin puts Jacinta on the spot. Sasabihin kaya ni Jacinta na totoo ito? O hindi?

Episode Thirty Six

07/28/05

Si Cecilia pala na nagpapanggap na Birhen ang nagpakita kay Veronica, pinapasauli niya ang korona at nahintakutan si Veronica! Si Cecilia naman tuwang tuwa sa outcome ng paggamit niya ng kapangyarihan niya. Samantala si Luke at Imang naman nagiging magkaibigan na talaga, gusto tuloy matuto ni Imang ng English para makausap si Luke ng maayos.

Nakokonsensya na talaga si Veronica pero wala siyang balak na ibalik ang korona dahil ayaw niyang makulong. Kita mo nga naman ang tigas ng puso nito oh. Sa panaginip naman dinalaw ng mga nanay madre si Veronica! Tinakot nila ito at ipinapabalik ang korona ng Birhen. Tsk tsk kawawang dalaga, ni sa pagtulog hindi tinatakasan ng ginawa nilang kasamaan.
Naisip naman ni Martin na ipaalam kay Sykharma ang susunod na gagawin ng mga madre sa anak niya. Narinig ni Sykharma ang susunod na gagawin ng mga madre, kaya nasabi niya ito kay Martin. Si Pablo tinatanong ang Tiyo Tonio niya kung naisip na ba nitong magpakita sa dati niyang asawa, asus Pablo, gulo yan alam mo ba?

Naku hinahanap ni Martin ang boses ni sister Cecilia, mukhang mapapahamak pa ang pinakabatang nanay madre ni Imang! Kasi nakikipaglaro pa kay Martin eh. Sister bumalik ka na sa ibang mga nanay madre!

Episode Thirty Five

07/27/05

Si Veronica ginulat si Luke, tinabihan ba naman kasi sa kama! Ayun nagalit tuloy si Luke at sinabayan naman ito ng galit ng sutil na dalagang ito. Nakita na rin ni Luke ang ugali ni Veronica. Si Father Agaton nagpapahinga na sa kanyang silid, buti nalang hindi kailangang dalhin sa ospital. Sobrang pressure na rin kasi ang hinaharap ni Father kaya nagkasakit na ito.

Si Jacinta kinukulit si Anghel tungkol doon sa pagkawala ng korona ng Birhen, hindi tuloy mapalagay si Anghel dahil mabigat din ang konsensiya niya. Samantala ipinakita na ni Martin kay Don Francisco ang korona at nagalit ito. Isusumpa daw sila at may kapalit itong masamang karma pero mapilit si Martin. Hala si Pablo napapanaginipan na ang magandang babae na nakita niya pero pagharap nito sa kanya ang mukha ni Imang ang tumambad sa kanya!

Nakita ni Imang na hawak ni Veronica ang korona ng Birhen! Naisip tuloy niyang bantayan ito. Samantala si Pablo umuwi na kina Teresing! Magkita na kaya sila ni Lucia? Speaking of Lucia nagtanong siya sa tatay niya kung nasaan ang anak niya pero katulad ng dati, hindi niya sinabi ang totoo at nagmatigas pa!

Nagkausap si Veronica at Imang, kinakabahan tuloy si Veronica dahil hinuhuli siya ni Imang! Defensive talaga si Veronica pero hindi siya umamin kay Imang. Pumunta tuloy siya sa daddy niya at nagsumbong na baka may alam si Imang. Sinubukan ng mga nanay madre na gamitin ang kapangyarihan ni sister Cecilia para takutin si Veronica! Habang naglalakad ang dalaga, nagpakita sa kanya ang Birhen! Hala yung Birhen nga ba yun?

Episode Thirty Four

07/26/05

Si Pablo nagpunta sa mga Durano para mahanap ang magandang babaeng nakita niya sa bakuran nina Sarah kanina. Pero wala doon ang hinahanap niya! Naku nakatulog na ang mga sisters sa pagbabantay ng Birhen habang nasa labas na sina Martin, Veronica at Gabriel, tinatakot ni Veronica si Gabriel para siya ang kumuha ng korona ng Birhen.

Nakapasok na sa loob ng simbahan sina Gabriel at ng kukunin na niya ang korona, dumating si Lorenzo! Pero pinukpok siya ni Anghel kung kaya't nakatakas si Gabriel, si Anghel na rin ang kumuha ng korona para sa kapatid niya. Dinala si Imang ng mga kaibigan niya sa simbahan dahil sa nakita nila habang si Martin niloloko na naman si Lourdes na nagdala ng pagkain sa bodega para sa kanya.

Aba at nakiusap pa si Martin na tabihan siya ni Lourdes sa bodega?! Loko talaga ito, may alibi na siya ngayon. Sa simbahan wala ng nagawa si Imang para habulin ang nagnakaw sa korona ng Birhen! Dumirecho sa mansyon si Imang at pinagbintangan niya si Martin, siyempre dinepensahan ni Lourdes ang asawa. Balik sa simbahan, hirap na hirap sa pagpapaliwanag ang mga madre at si Padre Agaton sa mga kinatawan ng Pransya sa pagkawala ng korona ng Birhen.

Itinago ni Martin ang korona sa bodega at si Veronica tuwang tuwa sa gulong ginawa nila ng tatay niya! Loka loka na yata ang anak ni Lourdes! Galit na galit ang mga tao kay Father Agaton dahil sa nangyari, kakasuhan pa ng Pransya ang Pilipinas sa nangyari! Si Anghel nakokonsensya na pero mas natatakot ito kay Veronica!

Naku narinig ni Anghel na pinaghihinalaan siya ni Jacinta na may kinalaman sa sa pagkawala ng korona. Anong gagawin niya kay Jacinta? At naku inatake si Father Agaton at biglang nabuwal sa harap ng altar! Anong mangyayari sa kura paroko ng simbahan?

Episode Thirty Three

07/22/05

As expected pinalayas ni Teresing si Lucia sa pamamahay niya, galit na galit ito sa kanya. Patay na raw si Antonio at siya ang may kasalanan, kawawang Lucia. Hindi daw alam ni Teresing kung nasaan ang anak niya. Kaya umalis nalang ang magasawang Tennyson sa bahay ni Teresing.

Iniutos ni Veronica kay Gabriel na tulungan nito ang daddy niya na nakawin ang korona ng Birhen ng Pransya. Narinig pa ni Luke ang pinaguusapan ni Veronica at Gabriel, pero wala daw siyang naintindihan sa mga sinabi nila.

Aba si Martin nagagalit kay Lourdes dahil hindi siya pinayagan ni Lucia na bumalik siya sa bahay. Kaya pinakiusapan ni Martin na maging mabait si Veronica sa nanay niya para raw lumambot ang puso ni Lucia sa kanya. Si Pablo dinidikitan pa rin ng magkapatid na Durano at nadagdag pa si Lorenzo sa pinakakaabalahan nila!

Habang ang mga sister pinatawag si Imang para makapagpaalam na sila dito. Iyak ng iyak ang ating bida ng malamang iiwan na siya ng dalawa sa mga nanay madre niya. Si Sykharma nakanap ng paraan para makuha ang korona ng Birhen ng Pransya.

Gulat naman si Fatima sa kinikilos ni Veronica, bakit daw mabait na ito sa kanya? At pati sa mommy niya? Pero ng mawalan ng audience bumalik na sa dati si Veronica. At si Lorenzo bumisita kina Imang to ask her out on a date at aba pumayag si Imang! Ipagtatapat na pala ni Lorenzo doon ang nararamdaman niya para kay Imang. Exciting ito!

Episode Thirty Two

07/21/05

Si Pablo pinuntahan na ang mga Durano para kumbinsihin sila na patirahin nila ulit si Imang doon sa bahay nila, gawin nalang daw nilang katulong si Imang at araw araw ay pupunta siya doon. Si Lucia susubukang alamin kung saan nakalibing si Antonio, isasama pa niya si Doc Gwapo ay este Doc Clark! At ng malaman na baka buhay pa si Antonio, halos nagpanic si Lucia!

Sa simbahan patuloy na dinadagsa ng mga tao ang birhen at medyo mahirap na ang security. Nakabantay si Martin sa may tabi ng simbahan at naiinis ito dahil ang daming tao. Mukhang ngayon na nila kukunin ang korona ah, pinagisip niya si Sykharma kung paano niya makukuha ang korona. Aba napapayag ni Pablo ang mga Durano na tumira ulit doon si Imang.

Kinonfront ni Lucia si Jacinta at sinabi pa rin niyang patay na si Antonio. Hindi matatahimik si Lucia dahil na kay Antonio nakasalalay ang lagay ng anak niya. Naku kawawa naman si Pablo dahil sa kagustuhang matulungan si Imang, kinukulit ng dalawang anak na Durano. Ang mga nanay madre nauubusan na ng panahon at wala pa rin silang maisip na gawin para maibalik ang kapangyarihan nila, kasama na ang buhay nila.

Isang buwan nalang pala ang nalalabi sa buhay ng mga nanay madre at hindi na madudugtungan ito kung hindi sila magiging ganap na mangkukulam. Samantala si Lourdes binisita si Imang sa mga Durano habang si Lorenzo pinagaagawan din ng dalawang dalagang Durano. Paguwi ni Lourdes kinausap na siya ni Martin, nagpapanggap na mabait para makuha ang loob ni Lourdes.

At dahil mahal ang asawa, kinausap ni Lourdes ang ate niya. Pero matigas ang loob nito at ayaw niyang papasukin ang asawa niya sa pamamahay niya. Nakuha na rin ni Lucia ang address ni Teresing. Laking gulat ni Teresing ng pumasok si Lucia sa loob ng bahay niya kasama si Doc! Magkabukuhan na ba?

Episode Thirty One

07/20/05

Matapos masampal ni Lucia si Veronica ay buong galit niyang nilabas ang inis sa pangloloko ng pamangkin sa kanya at pananakit nito sa nanay niya. Walang masabi si Veronica na makakaalis ng pagkamuhi sa kanya ng tita Lucia niya. Naisip ng mga nanay madre na ibalik si Imang sa mga Durano para kung sakaling puntahan siya ng nanay niya doon ay mahanap siya.

Nang dalhin ng mga nanay madre si Imang sa mga Durano ayaw naman nilang tanggapin ulit ito dahil baka gulo ang dala niya kaya naisip ni sister Marcelina na si Pablo ang makikiusap sa mga Durano. Si Antonio naman desidido na tumira sa Maynila kasama ng isang kamaganak nila, magtatrabaho daw siya at magpapakalayo layo muna.

"Be nice to your mother" yan ang condition ni Luke kay Veronica para matulungan siyang makipagbati kay tita Lucia niya. Si Don Francisco naman nagmamatigas pa rin at dahil ayaw ni Lucia umalis sa bahay na binili niya, aalis si Don Francisco. At si Pablo naman matapos ang pahirapang pangungumbinsi pumayag na din itong subukang kumbinsihin ang mga Durano!

Napakabait talagang asawa ni Doc kay Lucia, kinausap niya itong wag nang paalisin ang tatay niya sa mansyon nila. He wants her to do the right thing daw at siyempre lalong minahal ni Lucia ang asawa sa kabaitan nito. Kaya nakiusap na rin si Lucia kay Don Francisco na manatili na muna sa bahay nila, at matapos na makapanumbat ay nagdecide na magstay si Don Francisco para na rin daw kay Veronica.

Ang unang desisyon ni Lucia ay palayasin si Martin sa pamamahay niya pero katulad ng dati, kakapalan ng mukha ng pinapairal ni Martin. Feeling kasi niya mahal siya ni Lucia at sa mga pananalita niya nagkasakitan pa sila. Martin talaga, kapal kahit kailan! Naisip tuloy ni Martin na kausapin si Lourdes na wag siyang palayasin ni Lucia. Gggrrr! Talaga itong kubang ito napakadevious.

Episode Thirty

7/19/05

Nasalubong nina Imang ang mga nanay madre niya sa may tapat ng birhen. Doon nalaman ni Imang na alam nila ang balak ni Martin sa birhen at si sister Cecilia ay may kapangyarihan pa. Si Pablo naman inabot ng tukso sa nanay niya dahil sa pagsunod sunod kay Imang, baka raw maging manugang na niya ito. Tumanggi naman si Pablo pero halatang nagseselos pa siya kay Lorenzo.

Si Luke naman medyo nagtataka na sa kinikilos ni Veronica, mapanira kasi ito at hindi maganda ang trato kay Fatima. Galit na galit pa si Veronica sa pakikisingit ni Fatima sa mga ginagawa nila ni Luke. Naku inabot na naman ni Fatima ang lupit ng kamay ni Veronica, sinaktan siya nito sa ginawa niyang pakikisama kay Luke.

Wala namang nagawa si Lourdes nang makitang sinasaktan ng anak niya ang tagapagalaga niya. Bastos talaga si Veronica at pinagapang pa ang nanay niya para lang masave si Imang! At sa sobrang adrenaline nagamit na ni Lourdes ang mga paa niya! Nakalakad na ito at sobrang tuwa ni Imang sa nangyari!

Nang sabihin ni Veronica na magaling na ang nanay niya ay pinaalis na ni Don Francisco si Imang sa bahay niya. Napagalitan na naman si Lourdes ni Don Francisco dahil ipinambayad niya ang pera ni Lucia. Nagharap na naman si Don Francisco at Lucia at nagulat siya ng sabihin ng anak na kanya na ang bahay na ito.

At huling huli ni Lucia na sinasaktan ni Veronica ang sarili niya ina, nabuko na yata ang kabuktutan ng ugali ni Veronica. Mukhang si Lucia na ang masusunod sa pamamahay na yun at yehey nasampal niya si Veronica!

Episode Twenty Nine

07/15/05

Dumating na ang birhen ng Pransya sa simbahan at napakarami nitong mga gwardyang nagbabantay sa kanya! Si Lourdes naman pinepressure ng tatay niya na bayaran ang lahat ng kailangan nilang isettle. Pero saan kukuha ng pera si Lourdes? Kaya si Don Francisco si Martin nalang ang inistorbo. Si Lorenzo nakilala na ang lalaking pinagseselosan niya dahil gustong gusto ni Imang.

Si Veronica ang kukuha ng information tungkol sa birhen para sa tatay niya. Samantala lahat na yata ng paraan para maibalik ang kapangyarihan nila ng lubos ay nagawa na ng mga sister pero wala pa din! Naku bumisita si Martin sa simbahan para iobserve ang galaw ng mga gwardya sa Birhen ng Pransya.

Aba nagkaroon ng magandang encounter si Imang kay Luke, mabait naman pala ito at beautiful naman daw si Imang sabi niya. Habang nagkakatuwaan sila sa pagkuha ng pictures nakisingit na naman si Victoria at nagmaldita na naman! Siniraan pa niya si Imang sa lalaki, kaya itong si Luke naweweirduhan na sa ugali ni Veronica.

Sinaktan ni Veronica si Imang dahil ilusyonada daw ito kay Luke eh ang pangit pangit naman niya. Seven million dollars! Yan ang halaga ng korona ng Birhen ng Pransya! At balak itong makuha ni Martin! Halang talaga ang kaluluwa nito oh. Nalaman na rin ni Imang na halos wala ng kapangyarihan ang mga nanay madre niya, lalo tuloy itong naguilty!

Imang overhears Martin and Sykharma talking about his plan to steal the crown ng Birhen ng Pransya! Naku trouble ka na naman Imang!

Episode Twenty Eight

07/14/05

Naku sayang hindi nakita ni Don Francisco ang tunay na anyo ni Martin, umalis kasi ito ng pumasok ang Don sa kusina at kinausap si Fatima. Si Antonio naman namimiss si Lucia kaya naisip ni Pablo na gumawa ng paraan para makita nito ang dating asawa. Habang si Lucia tinanong naman ni Jacinta kung saan ang libingan ni Antonio pero wala itong masabi sa kanya. Batid naman ni Luciang may tinatago si Jacinta sa kanya.

Sina sisters Clara, Cecilia at Marcelina naman humahanap ng paraan para maibalik ang kapangyarihan nila pero parang wala talagang nangyayari kahit anong pilit nila eh. Sina Lourdes at Veronica nagaaway na naman, eh sutil talaga itong si Veronica eh kung ano anong sinabi kaya sa galit ni Lourdes ay muntik na siyang saktan! Ang malas lang inabutan sila ni Luke at nagmukha siyang masama sa stepson ng ate niya.

Hindi naman makapaniwala si Lucia sa sinumbong ni Luke sa kanya tungkol kay Lourdes. Nakita nga ni Antonio si Lucia pero inaalagaan nito si Clark kaya nasaktan ng husto si Antonio. Eh ganun talaga mahal na din ni Lucia si Doc Pogi eh. Sinabi na rin ni Teresing sa kanya na alam ni Lucia ay patay na siya. Patuloy naman na inaasar ni Pablo si Lorenzo at Imang, ano ba Pablo?! Wag na magselos!

Nagkasama na muli si Lourdes at Lucia pero mukhang hindi matatapos ng maganda ang usapan nila. Dahil pinagaawayan nila si Veronica! Nagsusumbatan na sila bilang mga ina, ano ba hindi kayo dapat magaway?! Itong si Martin naman wala ng pera pero pagdiskitahan daw bang kunin ang mga bato sa korona ng Birhen ng Pransya? Pathetic talaga siya noh?

Episode Twenty Seven

07/13/05

Habang pinanlalabanan niya si Martin, dumating si Dr. Tennyson para iligtas si Lucia pero ang kapal naman din ni Martin diba? Ggrrr talaga yang kubang nagbabalatkayo na yan! Ang lola naman ng mga sisters pinuntahan sila sa simbahan para sabihin sa kanila na yung buhay nila ang ipinagpalit nila, siyempre halos maloka ang mga sisters natin dahil wala na rin silang kapangyarihan.

Si Fatima na-love at first sight kay Luke pero siyempre napakontrabida talaga ni Veronica! Nagalit naman si Don Francisco dahil andun si Lucia sa mansyon nila kaya umalis na siya kasama ang pamilya niya. Iyak ng iyak si Lourdes kasi gusto na niyang makasama ang ate niya.

Si Lorenzo sumusulat ng lovesong para kay Imang na humahanga kay Luke. Naku nakita ni Lucia si Teresing na naglalakad, bumaba pa siya sa sasakyan at sinundan ito. Pero hostile si Teresing sa kanya kaya umalis na lang din siya. Si Veronica naman sinusubukang siraan ang mommy niya kay tita Lucia niya.

Naku si Imang sinabi kay Lorenzo ang tungkol kay Luke, siyempre masakit na naman ito para sa kanyang "bestfriend". Umuwi sina sister Clara, Cecilia at Marcelina sa lola nila kasi nanghihina na raw ang kapangyarihan nila. Pero kailangan nilang maging mangkukulam na ganap para maibalik ang powers nila? Naykopo!

Si Sykharma may ibinalita kay Martin, magandang balita daw. Sinabi niyang humihina na ang powers ng mga madre kaya hindi na nila mapoprotektahan si Imang. Kaya sinubukan na naman niyang patayin si Imang pero kahit pano may kapangyarihan pa rin ang salamin kung kaya't nagbalik siya sa pangit niyang anyo! At mukhang makikita pa ito ni Don Francisco. Ahahahaha sana nga!

Episode Twenty Six

07/12/05

Nagharap si Antonio at Martin, papatayin sana ni Martin ang tunay na ama ni Victoria pero sinave na naman sila ni Jacinta. Pinukpok niya si Martin at pinagalitan si Pablo at Antonio! Galit na galit naman si Jacinta kasi napakaselfish daw ni Antonio. Naku pagkagising ni Martin ang dami naman nitong plano sa kanila ni Lucia, as if naman papayag si Lucia?!

Nalulungkot naman si Lucia dahil nanghihina ang asawa niya pero pinilit pa rin nitong umuwi sila sa Pilipinas para sumaya lang siya. Naku naconvince ni Martin si Don Francisco na patirahin si Lucia sa mansyon nila sa pagsasabi niyang buhay si Antonio. Si Veronica talaga napakalupit! Pinakulong si Lorenzo kay Angel dahil lang bumibisita ito kay Fatima! Grrr talaga.

Humingi tuloy ng tulong si Fatima kay aling Jacinta para matulungan ang kaibigan. Kawawa naman si Lorenzo sa loob, pinagdidiskitahan ng mga dati nang preso. Piniyansahan siya ni Jacinta, nasabi din niya kay Fatima na mahal niya ito pero ang sagot ni Fatima, halos magkapatid na raw sila kaya mahal rin niya ito. Naku yung kontrata na pinirmahan ng mga madre ay para pala sa kamatayan nila.

Dumating na sina Lucia at ang pamilya niya, andun si Veronica at Martin para sunduin siya. Bastos talaga si Martin, pati ang gwapong Doc Clark inisnab, si Veronica naman si Luke lang ang nakikita. Sa mansyon muntik nang sabihin ni Fatima ang totoo kay Lourdes kaya lang pinigil siya ni Don Francisco.

Sobrang saya ng pagkikita ng magkapatid na Lourdes at Lucia! Napawi na rin ang pagaalala ni Lucia sa kapatid niya at ang pangungulila ni Lucia para sa nagiisa niyang kapatid. Ang kapal din naman ni Martin na kausapin at kumbinsihin si Lucia na siya ang mahal niya sa loob ng pamamahay ng asawa niya. Tumatanggi si Lucia at naku nakita ni Lourdes ang lahat! Ano na ang mangyayari sa kanilang tatlo?

Episode Twenty Five

07/09/05

Hindi alam ni Sykharma at Martin na nakikinig ang mga kaibigang daga ni Imang sa usapan nila, ikinuwento nila kay Imang ito. Dahil naman sa takot, sinabihan ni Jacinta si Antonio na wag na pumunta ulit sa mansyon. Tapos si Imang naman ang nakarinig ng usapan ni Veronica at Martin na patirahin si Lucia sa bahay nila para mawala na si Lourdes.

Ang tatlong madre nagplano kung paano sila makakapasok sa loob ng mansyon ng hindi nakikilala ni Lourdes at maging si Imang. Nang dumating si Pablo ay nakakuha sila ng way. Dinala sila ni Pablo sa mansyon bilang part ng pagtatanggal nila ng anay. Sa America naman nakakalungkot kasi parang nagbibilin na si Dr. Clark sa anak niya.

Si sister Clara hindi nakapagpigil, ginawang pusa si Victoria! Napagalitan tuloy siya ni sister Marcelina at pinabalik ito sa pagkatao. Muntik na mapatay ni Martin si Victoria na pusa. Kaya ibinalik na ni sister Clara ito sa tunay niyang anyo. At the same time gusto rin pumunta ni Antonio sa mansyon kaya dinala siya ni Pablo doon.

Saan nga ba napunta si sister Cecilia? Ayun pala umihi ng nakatayo at nabasa ang pantalon kaya umuwi nalang ito. Hahaha! Inabot ni Martin si Pablo at Antonio sa labas ng gate ng mansyon! Mapatay kaya ni Martin ang tunay na ama ni Victoria?

07/08/05

Episode Twenty Four

07/08/05

Si Dr. Clark pilit na inaassure ang asawa na kaya niya magtravel, sobrang mahal na mahal siya ni Lucia. Gusto niyang gumaling ito at hinding hindi niya ito iiwan. Si Teresing naman wala talagang balak na sabihin kay Pablo kung sino ang ama niya kahit na pilitin siya ni Antonio. Samantala si Lourdes at Lucia nagkausap nang muli! Nagusap sila at nasabi nga ni Lourdes na hindi naman totoo ang mga sinasabi ni Veronica sa kanya. Tuwang tuwa naman ang magkapatid dahil narinig na nila ang isa't isa.

Si Pablo naman patuloy na inaasar si Imang pero mukhang nagseselos naman siya kay Lorenzo dahil sobrang close sila sa isa't isa. Nakipagaway pa siya kay Lorenzo! Habang si Lorenzo umamin naman kay sister Marcelina na may pagtingin siya sa kaibigan. Waaah kilig! Nagaway na naman si Lourdes at Martin sa pagtira ni Fatima sa bahay nila pero nanaig pa rin ang kagustuhan ni Lourdes.

Lorenzo confronts Pablo about his feelings for Imang, naku po kumanta sila! Nagpapasiklaban sila sa kung sino ang mas gusto ni Imang sa kanila. Sino nga kaya ang mas matimbang sa kanilang dalawa? Nalulungkot naman si Lourdes kasi mawawala si Martin at Veronica sa kanya pagdating ng ate niya. Pero Jacinta tells her na hindi naman papatulan ni Lucia ang asawa niya eh.

Si Teresing naman iniisip na nagseselos ang anak niya sa kaibigan ni Imang. Deny to death pa rin si Pablo! Aba nagattempt si Antonio na makita ulit ang anak at himala na naman mabait talaga si Veronica sa kanya! Inoffer pa niya na kumain ang mga ito sa mansyon. Galit na galit si Martin ng malaman na nakikipagusap ang anak niya kay Antonio.

Hala si Lorenzo nagsumbong kay sister Marcelina, mukhang may karibal na raw siya kay Imang at si Pablo pa. How right you are Lorenzo! Pero hindi naman ikaw titgil diba? Lalo na't ang backer mo ay si sister Marcelina. Ngayong nagkikita na si Antonio at Victoria ano na ang plano ni Martin?

Episode Twenty Three

07/07/05

Si Victoria kinomfort ni Martin, mawawala na raw ang kuba sa bahay nila. Nakita ito ni Antonio kung kaya't masakit ito sa damdamin niya. Si Pablo naman asa loob na ng mansyon, buti nalang nakita siya ni Jacinta at nakausap. Nailabas niya ito ng safe sa mansyon, napagalitan pa niya si Antonio at Pablo dahil nilagay nila sa panganib ang sarili nila.

Si Dr. Clark ipinipilit na makapagtravel papunta sa Pilipinas kahit na kamatayan nga ang kapalit nito. Mahal na mahal niya talaga si Lucia! Masayang masaya si Lucia na makakauwi na siya. Susunduin pa siya ni Veronica sa airport. Ang mga ik-ik itinuro kay Sykharma ang counter curse sa salamin ni Imang!

Si Pablo nakipagdiskusyon sa nanay niya, gusto niya malaman kung sino ang tatay niya at kung bakit pinagbabawalan siya ng ina na magpunta sa mansyon. Sykharma performs the counter curse and wakes Martin up para mapatay na nito si Imang. Buti nalang na-warn ng mga ik-ik ang mga madre kaya umabot sila! Hindi na naman nagtagumpay si Martin at nairestore yung bisa ng salaming kwintas niya!

Sino nga ba ang tatay ni Pablo? Kahit si Tiyo Antonio niya ayaw sabihin sa kanya kung sino eh. Kaintri-intriga! Ang mga sisters naman nagisip ng paraan para makapasok sa mansyon ng hindi nakikilala kahit ni Imang. Sister Marcelina asks Lorenzo to look out for Imang.

Speaking of Lorenzo mukhang he's singing his way to Imang's heart. Pero ano ito magaaway ba sila ni Pablo sa labas ng simbahan? Ang kulit kasi ni Pablo, tukso ng tukso kay Imang na hinahanap hanap naman niya! Love nga naman!

Episode Twenty Two

07/06/05

Dinala ni Gabriel si Fatima sa isang lugar kung saan binantaan siya ni Veronica na papatayin kung hindi siya aalis. Nilatigo siya ni Veronica ng hindi pumayag na umalis, buti nalang inabot ni Jacinta ito at napigilan ang pananakit kay Fatima. Nagsorry naman si Fatima sa pagkakamaling inakala niyang ginawa niya.

Veronica continues to tell lies about her mother to her tita Lucia, napapabilis tuloy ang pagalis nina Lucia pabalik ng Pilipinas. Si Father Agaton pumunta ng Maynila para asikasuhin ang Birhen ng Penafrancia at sunduin na rin si Lorenzo. Lumakad na sina sister Marcelina at sister Clara para sunduin si Fatima sa mansyon.

Sa mansyon naman, Sykharma sows more mischief, buti nalang nasave siya ni Fatima. Ang mga sisters nagpretend na naghahanap ng volunteers for charity work para maisama nila si Imang sa simbahan. Pagdating sa simbahan inilabas ni Imang ang sama ng loob na inaabot niya sa mansyon. Wala namang magawa ang mga sisters dito.

Nagbalik na si Lorenzo! At aba kumakanta na ito?!!! Eh diba nung nagkahiwalay sila ni Imang ni hindi ito nagsasalita? Laking tuwa ni Imang at pati na ng mga madre sa pagdating ng batang dati nilang nakasama sa simbahan. Nakapagsalita pala si Lorenzo noong umalis si Imang para manirahan kasama ni Papa Solomon niya. Ang unang salita ngang nabanggit niya ay Imang.

Ikinuwento ni Imang kay Lorenzo ang mga nangyari sa kanya at kung bakit hindi na siya doon sa simbahan nakatira. Samantala si Pablo naman gumagawa ng paraan na makapunta sa mansyon ng mga Saavedra, uuyyy sinong pupuntahan niya doon? Si Imang ba? Pinapasok si Pablo sa mansyon para magcheck ng anay, hindi alam ng mga tao sa mansyon, andoon si Antonio sa labas ng gate! Magkita kaya sila ng anak na si Victoria sa mansyon?

Episode Twenty One

07/05/05

Habang nagwawala si Veronica ay nagalit si Lourdes! Hindi raw mababali ng "anak" ang kagustuhan niyang tumira si Fatima sa bahay nila. Don Fraincisco tries to explain to Veronica why Fatima has to go live in their house, makakatulong daw ito sa political plans niya. Hindi naman niya pala kailangan pakisamahan ang kuba. Hala naman!

Samantala si Pablo at Teresing inabot si Antonio na nagaattempt na tumawid sa ilog para mapuntahan ang anak niya. Nakakaawa naman si Antonio na nais lang naman na makita ang anak niya. Si Pablo nangakong sasamahan ang tiyo Pablo niya basta wag na sasabihin sa nanay niya para hindi sila matrouble. Aba si Teresing tinutukso ang anak niya na namimiss si Imang!

Fatima overhears Don Francisco and Martin talking, matatahimik na raw si Lourdes kasi andito na yung hinahanap niya. Mas maganda daw na ang katotohanan ay malapit sa kanya para hindi niya ito makita. Nagplan na tuloy si Martin at Sykharma kung paano nila mapapalayas si Fatima sa bahay na iyon. Kailangan daw mawala ang tiwala ng lahat pati na ni Lourdes sa kuba para umalis ito.

Nakipagkasundo ang tatlong madre sa dalawang ik-ik para malaman ang plano ni Martin laban kay Fatima, pumayag silang ibigay ang trono ng pagiging reyna basta tumupad lang sa usapan nila. Sa mansyon pinagpalit palit ni Sykharma ang mga gamot ni Lourdes para mapahamak si Fatima. Naku naipainom ni Fatima ang maling gamot kay Lourdes at nagkaroon ito ng allergic reaction sa gamot.

Samantala si Lucia naman nagaalaga din ng may sakit, si Dr. Clark. Nagpipilit itong ituloy ang paguwi nila sa Pilipinas, ayaw man ni Lucia dahil baka lalong humina ang asawa ay gusto naman ito ni Dr. Clark. Kung kaya't pumayag na din siya kahit natatakot na mawalan ng asawa! Nagwoworry si Luke para sa ama, pano raw sila ni Lucia kapag namatay ang ama?

Naku si Gabriel may gagawing masama kay Fatima! Naku naku naku!!!

Episode Twenty

07/02/05

Inamin ni Jacinta kay Antonio na anak niya si Veronica! Galit na galit si Antonio sa kaibigan niya, niloko daw siya ni Jacinta. Si Lourdes naman pinapahirapan pa rin ng pamilya niya sa bahay. Ipipilit niya na kunin si Fatima para alagaan siya dahil parehong si Martin at Veronica ayaw siyang alagaan. Hindi na raw siya magtitiis sa pagmamaltrato sa kanya ng pamilya niya.

Si Fatima naman nabiktima ng mga ik-ik, na nagdisguise na mga tinderang gypsy! Ginamitan siya ng magic para ipakain sa kanya ang isang poisoned na apple at halos mamatay na siya dito! Buti nalang dumating sina sister Clara at sister Cecilia kung kaya't nailabas niya ang apple.

Ipinilit ni Lourdes kay Angel at Gabriel na dalhin ang kuba sa bahay nila, kaya si Don Francisco mismo ang sumundo sa kuba. Matapos ang mahabang desisyon sa pagitan ni Don Francisco at ni Padre Agaton ay sumama na din si Fatima para maalagaan ang mama niya.

Si Antonio nakapagdesisyong kunin ang anak niya kahit na ikamatay daw niya ito. Naku pano naman niya ito gagawin? Si Fatima naman nagpapaalam na sa mga madreng nagpalaki sa kanya. Nakiusap din ang mga madre sa mga kaibigan ni Imang na ibon at daga para mabantayan si Imang sa mansyon nina Martin.

Si Lucia naman patuloy na inaalagaan ang asawa na hirap na hirap sa sakit niya. Hindi daw niya iiwan ang asawa niya kahit na kailangan siya ng kapatid niya. Nakakalungkot naman kung mawawala si Dr. Clark. Hay! Nang makarating naman si Fatima sa bahay ni Don Francisco, tuwang tuwa si Lourdes! Pero ipinagtulakan siya ni Veronica palabas, naku ito na ang simula ng impyernong dadanasin ni Imang sa bahay ng nanay niya!

Episode Nineteen

07/01/05

Kinuwentuhan ni Fatima si Lourdes tungkol sa mama Sarah niya at sa mga kapatid niya, dineny din niya na doon siya sa simbahan lumaki kasama ng mga madre. Inalok naman siya ni Lourdes na tumira nalang sa kanila. Samantala asa hospital din si Lucia at Luke, sa America. May brain cancer kasi ang asawang si Dr. Clark. Alalang alala si Lucia sa nanghihinang asawa, mahal na mahal na niya ito.

Nagpunta naman sa simbahan ang dalawang assistant ng lola nina sister Marcelina kaya lang natutunaw sila pag dumidikit sa pinto. Bago sila umalis nakasalubong pa nila si Sykharma, naisip pa nilang magtulungan. Anong kalokohan na naman ang gagawin nila? Nakita naman nina sister Marcelina ang nangyayari sa mahiwagang kawa kaya naghanda na din sila.

Oh no! Namatay na ba si Dr. Clark? Napakasakit siguro nito para sa asawa at anak niya. Lucia calls home and reaches her dad pero hindi siya pinakausap nito, bawal na siyang makausap ang mga taong nasa loob ng bahay niya. Veronica catches Angel in a lie regarding the circumstances of her birth. Don Francisco warns Jacinta to watch what she says to Veronica kundi ipapatay na siya.

Si Lorenzo babalik na! Tuwang tuwa si Fatima kasi may kakampi na raw siya ulit. Si Lourdes ginulat si Martin, pumayag na daw yung kubang nurse na sumama sa bahay nila. Nagaway pa tuloy sila at hindi daw siya papayag sa gusto nito. Pero pinapili siya ni Lourdes, either ang magaalaga lang daw sa kanya ay yung kuba o si Martin. Anong sasabihin ni Martin?

Don Francisco finds out that Martin's daughter is alive, anong gagawin nila? Si Lourdes naman bago umuwi mula sa ospital hiniling na mayakap si Fatima. Hay ang tunay na magnanay! Si Jacinta naman nahuli ni Antonio na gusto nang umamin! Aaminin na kaya ni Jacinta na anak ni Antonio si Veronica?

Episode Eighteen

06/30/05

Nagkausap si Antonio at Veronica, aba medyo bumait ata ang sutil na ito kasi binati pa niya ng Happy Birthday ang lalaking inakala niyang magnanakaw. Sa sasakyan sinabi pa niya kay Gabriel na iba ang pakiramdam niya sa lalaki. Parang matagal na daw niyang kilala si Antonio. Si Martin sinisisi si Sykharma dahil nagfail na naman siya na patayin ang anak. Pero sabi nga ng sidekick niya uminit daw kasi ang ulo niya kaya hindi niya nakuha ang loob ng dalaga.

Si Antonio naman tanong ng tanong tungkol kay Victoria, sinabihan pa si Jacinta na bigyan ng panahon ang bata para daw magkasundo daw sila. Pinayuhan ng mga kaibigan niya si Fatima na humingi ng tulong kay Pablo kasi maabilidad daw talaga ito. Dinalhan pa niya ng suman at mangga ito para lang makumbinsi ito na tulungan siya. Aba tutulungan siya ni Pablo! Pinagbihis niya ito ng suot ng nurse para lang mapuntaha ang nanay niya sa kwarto nito.

Nang makita siya ni Lourdes sa sobrang tuwa niya ay ipinipilit niya na siya ang anak nito. Pero dineny niya ito at sinabing nurse siya sa ospital kaya nalungkot na naman si Lourdes. Nagsumbong naman si Veronica sa tatay niya na may kadate si Jacinta at Antonio ang pangalan. Si Dr. Clark inatake ng sobrang pagsakit sa ulo, halos di na malaman ni Lucia ang gagawin niya at nagtawag na sila ng 911 ng anak.

Lourdes discovers that she cannot move her legs! Naku anong nangyari? She tells Martin na sa bahay na siya magpapagaling at gusto niyang kunin ang isang kuba para magalaga sa kanya. Si sister Marcelina at sister Clara may kanya kanyang manok na gusto para kay Fatima, si Lorenzo at si Pablo. Pinagsabihan nila si Fatima na magingat ito sa pagpunta punta niya sa ospital.

Nung gabi sa hapag kainan tinanong ni Antonio ang tungkol kay Veronica. Kinabahan tuloy si Teresing. At hala naku may brain cancer si Dr. Clark, paano haharapin ni Lucia at Luke ang posibilidad na mawala na ang kanilang mabait na asawa at ama? Things will never be the same now that Clark is dying and Lourdes can't walk.

Episode Seventeen

06/29/05

Habang nagbibigay ng dugo si Fatima para sa isa't isa ay sinasabi ni Don Francisco sa apong si Victoria na anak siya ni Lourdes. Itinanong ni Victoria kung anak nga ba ng lolo niya ang mommy niya? Oo nga noh? Hindi kaya hindi rin anak ni Don Francisco si Lourdes? Samantala sa ospital, sinabi kay Martin na successful ang blood transfusion ng asawa niya. Nagtaka naman si Martin kung bakit confidential ang nagbigay ng dugo sa asawa niya.

Mabuti nalang hindi inabot ni Martin sina Fatima sa kwarto ng asawa! Nagtago kasi sila sa likod ng isang pintuan. Si Pablo naman kinukulit ang nanay niya tungkol sa kwento ng Tiyo Antonio niya at nung babaeng ang pangalan ay Lucia. Inaalala naman ni Antonio ang anak niya kay Lucia. Excited na si Veronica sa nalalapit na paguwi nina tita Lucia niya at si Luke.

Naku ipinakausap siya nito kay Martin pero galit na galit si Lucia sa kanya. Kapag may nangyari daw sa kapatid niya ay sisingilin niya daw ito! Si Fatima masayang masaya dahil sa nakasama niya ang ina. Sykharma gives Martin an idea kung paano niya makukuha ang pagkakataong mapatay si Fatima.

Kaya nang mangumpisal si Martin kay Padre Agaton ay lumambot ang puso nito. Pinapahingi siya ni Padre Agaton ng tawad si Martin kay Fatima. Pinilit naman ni Father Agaton si Imang na harapin ang ama niya para kausapin ito at patawarin na ito. Binigyan siya ng proteksyon ng mga madre bago siya pumasok sa loob ng simbahan.

Pinapalakas naman ni Dr. Clark ang loob ng asawa niya, harapin daw niya si Martin dahil kayang kaya na niya ito. Sa simbahan nagkaharap na si Fatima at Martin, hirap namang maniwala si Fatima na humihingi ng tawad ang kanyang ama. Nang masabi ni Fatima na siya ang nagbigay ng dugo sa kanyang ina ay biglang bumaligtad si Martin! Mabuti nalang handa si Fatima at may proteksyon.

Nakiusap naman si Jacinta kay Antonio na sana magbago na ito ng mindset kasi nahihirapan din silang tatlo nina Teresing at Pablo. Naisip daw ba niya ang lahat ng sakripisyong ginagawa nito para sa kanya para sumaya siya? Si Don Francisco hindi rin pala alam na may nagbigay na ng dugo sa anak niya. Sa paglabas ni Veronica sa araw na iyon nagkita sila ni Antonio! Mararamdaman kaya niyang ama niya ito?

Episode Sixteen

06/28/05

Sa kampanaryo pilit na nanlalaban si Imang kay Martin habang isinugod naman ni Angel at Jacinta si Lourdes sa ospital. Habang hinahabol ni Martin ang anak ay naisipang patunugin ng mga kaibigang ibon ni Imang ang kampana para magising sina Padre Agaton at mga madreng tulog na tulog. At himalang sumakit ang ulo ni Martin nang marinig ang tunog ng mga kampana! Muntik na mahulog si Martin pero dahil mabait ang anak niya, niligtas pa siya nito.

Pero tuso talaga si Martin dahil ng mailigtas siya ay si Imang naman ang tinulak niya over the ledge. Niligtas nalang siya ng mga kaibigan niyang ibon. Nagising na rin ang mga madre at tumakbo sa kampanaryo pero ang nagligtas kay Imang ay ang mahiwagang salamin na bigay sakanya ng mga madre. Pero nailigtas din si Martin ni Sykharma!

Meanwhile sa hospital, critical ang lagay ni Lourdes, kailangan na masalinan siya ng dugo! Umuwi si Jacinta para sabihin kay Don Francisco ang nangyari sa anak niya. Pero hindi pwedeng maging donor si Don Francisco at si Veronica kaya si Martin nagpablood type para baka sakaling pwede siyang magbigay ng dugo sa asawa.

Pero magulo ang resulta ng blood typing niya, ngayon lang daw nakaencounter ng ganung klaseng blood type ang doctor. Siyempre naman eh hindi naman tao si Martin noh! Naisip naman ng mga madre na si Imang ang magbibigay ng dugo para sa kanyang ina kaya dinala nila ito sa ospital. Sinigurado nilang hindi malalaman ni Lourdes kung sino ang donor niya.

Veronica asks her grandfather kung tunay na anak ba siya ng nanay niya pero hindi nakasagot si Don Francisco. Siya kasi ang may pakana diba? Sasabihin kaya niya ang totoo? Si Imang sinilip ang nanay niya habang unconscious ito. Maramdaman kaya ni Lourdes na andyan sa tabi niya ang tunay niyang anak?

Episode Fifteen

06/25/05

Si Pablo hindi makatulog sa lakas ng hilik ni Fatima pero nakakagulat kasi napapangiti ito pag tinitignan ang kuba. At halos magdamag niya pinanood ang natutulog na si Fatima, nginitian pa siya nito ng maalimpungatan ito. Ano kayang iniisip ni Pablo at hindi siya makatulog? Si Martin sinundan si Jacinta sa paglabas nito sa bahay!

Si Victoria naman kinonfront ang nanay niya tungkol sa pagisip nito na hindi siya anak nito. Si Pablo patuloy na inaasar si Fatima pero mukhang magiging magkaibigan din sila. At hala naku nakita ni Martin na buhay si Antonio! Siyempre nataranta ang mga madre ng makita nila sa kawa ang mga pangyayari.

Nagpangabot sina Imang at Martin pero mabuti nalang naisave din siya ng mga tao at ng mga madre. Hindi na siya inabot ni Martin dahil nilipad na nila ito sa bilao. Sa simbahan wag na daw muna lumabas si Imang para hindi masyadong maging delikado ang buhay niya.

Martin tells Jacinta na alam na niya na buhay pa si Antonio. Papatayin daw niya si Antonio kapag hindi niya sinabi kung nasan ang kuba. Pinapili siya kung papatayin niya si Antonio o sasabihin niya kung saan ang kuba. Pinili ni Jacinta si Fatima, kapag namatay daw si Antonio sasabihin niya kay Lourdes na buhay ang anak nilang kuba.

Jacinta warns Teresing and her family na alam na daw ni Martin na buhay pa siya. Binugbog ni Martin ang asawa dahil nangungulit ito at sinabi pa nitong hindi siya mamahalin ng ate Lucia niya. Sa awa kay Lourdes sinabi ni Jacinta na nasa simbahan si Imang. Naabutan na ni Martin ang anak sa kampanaryo! Ito na ba ang katapusan ni Imang? Magtagumpay na kaya si Martin sa pagpatay sa sarili niyang anak?

Episode Fourteen

06/24/05

Nakita ni Imang ang nanay niya sa salamin at malungkot ito, nais tuloy niyang puntahan ito at yakapin pero sabi nina sister, delikado pa ngayon. Hinahanap kasi siya ni Martin para patayin, speaking of Martin Jacinta overhears him talking to Sykharma and planning to go to the church para patayin ang kuba. Si Gabriel napagalitan ng kuya niya dahil dapat daw ay sinusunod niya ang among si Victoria.

Si Martin nasa Kampanaryo na, tinutukan pa ng baril ang mga kaibigan daga at ibon ni Imang, buti nalang dumating si Jacinta at napigilan siya sa pagakyat sa Kampanaryo. Tumakas sila sa isang daanan sa may likod habang tinanong ni Martin kay Father Agaton kung nasan ang kuba, nagbanta pa ito kay Father! Si Imang andun kasama ni Jacinta at sinasabihan siya na magingat lagi.

Si Lucia ipinakilala si Luke kay Victoria over the phone at ang bratinella ayun nagustuhan ata ang stepson ng tita niya. Dahil binantaan sila ni Martin ginamitan nina sister ng powers si Martin at nagbalik ito sa pagiging kuba. Paguwi ni Fatima nagsabi sa kanya ang mga kaibigan sa kung ano ang sinabi ni Martin kay Father Agaton.

Jacinta overhears Victoria telling his father na kasama niya yung kuba kanina. She goes to the church para dalhin si Imang sa isang ligtas na lugar, doon sa bahay nina Antonio! Makakasama niya si Pablo sa bahay na yun! And true enough may friction na agad sila, away ng away kahit sa harap ng hapag kainan.

Nalaman naman ni Victoria na uuwi na sina Lucia kasama si Luke sa isang buwan, tuwang tuwa ang bratinella. Si Jacinta naman kinonfront ni Martin pero matapang itong sumagot sa kanya. Kapag nalaman daw ni Martin kung saan siya nanggaling mas iinit daw ang ulo niya, kaya wag nalang. Naku Martin dadalhin na ni Jacinta ang sikreto ni Fatima sa hukay!

Episode Thirteen

06/23/05

Nagulat ang mga kaibigan ni Fatima na mga daga at ibon sa biglang pagganda niya. Pinilit nila itong tumingin sa salamin kaya lang nang tignan na niya ito ay ang pangit na kuba pa rin ang nakita niya. Papano biglang hinipan ni Lourdes ang kandila matapos siyang pagalitan at pagsabihan ng masama ni Don Francisco sa pagkuha niya ng pera sa kaha nila. Kawawang Lourdes dinadala ang lahat ng sakit ng dahil sa pagmamahal kay Martin.

That morning din inabutan ni Victoria ang kubang halimaw na natutulog sa kama ng daddy niya kung kaya't dali dali niyang kinuha ang baril sa kwarto nina Anghel para patayin ang kuba. She almost shoots her own father nang magising itong bigla! Sayang hindi niya ito nabaril, pero mabuti na rin kasi pinagdududahan naman ni Don Francisco ang mental health ng kanyang apo.

Nagdedeny kasi si Martin, wala daw siyang nakitang halimaw sa kama niya. Ngayon sino ang dapat pagdudahan? Si Martin o si Veronica na si sutil? Si Lucia inakalang nagbago na ang kapatid niya, ikinukuwento niya sa asawa na nagsusumbong si Veronica sa kanya na sinasaktan siya ng ina. Pero payo ni Dr. Clark wag makinig sa isang side lang ng storya.

Si Sykharma napagalitan ni Martin, nagsinungaling kasi ito na napatay na niya ang Kampanerang Kuba. Siya nalang daw ang papatay sa sarili niyang anak. Sa pagsubok ulit na mapatay si Fatima ay pinuntahan ulit siya ni Sykharma sa simbahan. Veronica gets into another fight with her mother over a boyfriend kaya tumawag si Veronica sa tita Lucia niya with a sob story na sinasaktan na naman siya ni Lourdes lalo na't naglalasing ito.

Hindi agad na makapaniwala si Lucia sa narinig mula sa pamangkin, wag nalang siyang umalis at gagawan niya ito ng paraan. Kinuha ni Lourdes ang telepono at gusto kausapin ang kapatid pero pinutol ni Veronica ang linya ng telepono. Sa simbahan nahuli ng mga madre si Sykharma at sinabi na rin niya ang tungkol sa kaharian ng Naabukak at kay Prinsipe Abuk. Sinabi na din nina sister ang tungkol sa tunay na ina ni Fatima.

Father Agaton and the sisters are in a quandary over whether to help Fatima meet her real mother or not because it will endanger her life. Naisip nalang tuloy ni sister Cecilia na bigyan ng mahiwagang salamin si Fatima kung saan maaari niyang makita ang kanyang ina. Makita na kaya ni Fatima ang inang nais niyang makasama?

Episode Twelve

06/22/05

Ibinigay na ni Imang ang kayamanan ni Solomon kay Sarah at sa mga anak niya. Sa America nagcecelebrate naman ang magasawang Tennyson kasama si Luke, yung business kasi nila umani na ng kanilang first million dollars. Si Teresing naman pilit na minamatch si Antonio at si Jacinta.

Si Imang sa unang pagpunta niya sa palengke, napagkamalan pang magnanakaw dahil pinasahan ng bag ng totoong snatcher. Buti nalang sinave siya ni Pablo pero ano ba ito nagaaway na naman sila! Paguwi nito tuloy nagagalit ito at binibiro siya ng mga madre na in love na kay Pablo. Si Lorenzo lang daw ang totoong nagmahal sa kanya.

Malapit na malapit talaga si Lucia kay Luke, ang anak ni Dr. Clark. Isang gabi nakausap ni Lucia si Victoria, nacurious naman ang dalaga sa tita niya. Ang kapal pa ngang humingi ng damit ni Victoria ng kung ano ano, feeling close na siya sa tita. Si Martin naman patuloy na natatalo sa sugal, pero patuloy pa din siya kahit na ubos na ang pera niya.

Si Imang isang gabi nagpunta sa kampanaryo para pakainin sina Mabait pero pagdating niya doon, inaabangan siya ni Sykharma at gusto siyang patayin noon. Sa tulong ng kampana ay napanlabanan niya ito, pati na ang mga kaibigan niyang ibon at daga. Umakyat ang mga madre para saklolohan si Imang pero umalis na si Sykharma, kaya lang injured si Mabait.

Nadiskubre naman nina sister Clara, Cecilia at Marcelina na si Martin ay si Prinsipe Abuk din. Isang araw naman pinuntahan ni Jacinta si Fatima sa kampanaryo, pinagiingat niya ito. Unti unting nirereveal ni Jacinta ang mga pieces ng nakaraan ni Fatima sa kanya. Nagpasalamat naman si Fatima sa kanya, utang daw niya ang buhay niya dito.

Isang araw dumating na ang package na bigay ng kanyang tita Lucia kay Veronica, tuwang tuwa naman ito dahil napakadaming damit na pinadala para sa kanya. Sumama ang loob ni Lourdes dahil sinabi ni Victoria na mahal siya ng tita niya, nagdasal nalang tuloy siya at sinindihan ang kandilang mahiwaga. Naku nagbago ang itsura ni Fatima! Anong susunod na mangyayari?

Episode Eleven

06/21/05

Si Imang pinagmamalupitan ni aling Sarah ngayon na wala na ang kanyang papa, ginawa siyang katulong at pinatutulog pa sa bodega. Kawawa naman talaga siya! si Jacinta naman sinabi na kay Antonio na nagpakasal na muli si Lucia sa dati nitong amo, totoo naman ito dahil sa America siya'y Mrs. Clark Tennyson na. Uuwi pa nga sila ng Pilipinas para hanapin ang anak niya!

Samantala sutil talaga si Victoria dahil nagshoplift ito pagkatapos ay hinayaang si Gabriel ang magtake ng blame. Tapos kinunsinti pa ng lolo niya dahil pagdating sa opisina nung mall ay binayaran nalang niya ang security people doon. Sutil talaga! Naku si aling Sarah plano pa palang ipaligpit si Imang dahil ang ampon nila ang pinagiwanan ni Solomon ng lahat ng yaman niya, buti nalang protektado siya ng last will ng papa niya kaya hindi rin siya maipaligpit!

Kaya ang ginawa ng mga kaibigang daga, dinala yung last will and testament ni Mang Solomon sa simbahan at ipinabasa sa mga madre. Dali daling lumipad sina sister Marcelina, Clara at Cecilia sa lugar nina Imang at right on time sila. Dahil hinahabol na nina Sarah at ng mga anak niya ang kawawang kuba. Sa galit nila ay ginawa nilang baboy ang magiina at nagmakaawa ito na ibalik na sila sa dating anyo. Parang mas bagay ata na baboy sila hindi ba? :)

Kaya lang dahil sa paggamit nila ng powers nila, natunton na rin sila ng pinakalider ng mga mangkukulam. Pinuntahan sila doon at niyaya silang bumalik na sa grupo, lola pala nila ang head witch na ito! Ayaw nila siyempre sumama ayun tuloy nagkasubukan pa ng powers, pero hala mas malakas silang tatlo kaysa sa punong mangkukulam? Nang magtapat ng mga kapangyarihan sa kanila napunta ang scepter ng lola nila?

Episode Ten

06/18/05

Biglang sumaya ang birthday ni Imang dahil dumating si Father Agaton at ang ating tatlong mahal na madre. Tuwang tuwa siya na makita ang mga taong nagpalaki sa kaniya kaya lang hindi nakauwi si Lorenzo kaya medyo sad pa din, namimiss na niya kasi ang kaibigan. Samantala sa mansyon ni Don Francisco, habang abala ang mga tao sa birthday ni Veronica nakatanggap ng tawag si Jacinta.

Si Lucia na wala silang balita for ten years ay biglang nakakausap na niya. Nagtanong ito tungkol kay Antonio pero ang sabi ni Jacinta patay na ito! Halos pagtakluban ng langit at lupa si Lucia! Muntik pa mahuli si Jacinta ni Anghel, buti nalang nakalusot siya. Si Antonio naman inaalala ang asawang nawalay sa kanya ng matagal na panahon. Inabot siya ng kapatid at nagalit ito sa kanya, labing pitong taon na raw ang nakakalipas kaya tigilan na raw niya ang kalokohan niya.

Waaah OMG! After some time nagpropose ng marriage si Doctor Tennyson kay Lucia! Gusto daw siyang alagaan nito, hindi daw niya hihilingin na mawala si Antonio sa kanya basta bigyan lang siya ng konting puwang sa buhay niya. Hayaan nalang sana daw siyang mahalin siya nito, in Tagalog! Waaah! How sweet! And Lucia said YES! Waaah!

Nagpapasalamat naman si Fatima sa ama, si Mang Solomon daw kasi ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Minahal daw kasi siya ng ama bilang siya, nais daw niya maging katulad nito na magmahal ng ibang katulad niya. Mahal na mahal talaga ng mag-amang ito ang isa't isa. Hay sus si Sykharma pala hindi pa tapos sa paglipol ng mga kuba sa bayan nila.

Sa birthday din na yun, nang sawayin ni Mang Solomon ang mga anak sa pangaasar kay Fatima, inatake ito! Mahinang mahina na raw ang pulso nito, ano ng mangyayari sa butihing ama ni Fatima? sising sisi si Fatima, nais niyang gumaling na ang ama kahit na hindi na siya makasama nito.

Samantalang si Veronica nawawala pa sa sarili niyang party, asan na nga ba iyon? Dumating ito tapos na ang party at inaway pa ang ina kung kaya't nasampal na naman siya ng ina. Hay Veronica ang sama talaga ng ugali mo! Wala na talagang nagawa ang lahat dahil iniwan na ni Mang Solomon ang mundo. At sa gitna ng dalamhati si Fatima ang sinisisi ni Aling Sarah, kapal ng mukha talaga.

Kawawang Fatima, may amang gusto siyang patayin, may ama-amahang iniwan na siya. Hirap na hirap ang loob nito, ayaw na daw niya maging masaya dahil lagi nalang may kasamang lungkot. Kayanin kaya niya ang pagkawala ng mahal na ama?

Episode Nine

06/17/05

Natakot bigla sina Sarah at mga anak niya ng makitang buhay si Fatima, pero dahil sa dumating na si Solomon kaya't kunwari ay may malasakit na ulit sila sa bata. Itinago pa din niya ang totoo na muntik na siyang mapatay ng nanay-nanayan. Patuloy pa din ang pagmamalupit ng magiina kay Fatima kapag hindi nakatingin si Mang Solomon. Si sister Marcelina naman ang sumubok na pabaitin ang magiina, pero uminom lang sila ng tubig ay nawala na ang bisa ng potion niya.

At ang malaking rebelasyon - buhay pa si Antonio! At pamangkin pala niya si Pablo, ang lalaking nagligtas kay Fatima mula sa pagkakalunod. Malapit pala si Jacinta sa pamilya ni Antonio at madalas niyang ipinagluluto ang mga ito. Nais pa niyang magtrabaho para naman daw magkaroon ng kulay ang buhay niya. At ang kapatid nitong si Teresing boto pa pala kay Jacinta para sa kapatid niya.

Si Lucia hanggang ngayon nangungulila pa din sa anak at asawang nawala, napapanaginipan pa rin niya sila. Buti nalang dinadamayan siya ni Dr. Clark, ang amo niya. Tinutulungan pa siyang makaearn ng pera para makabalik ito sa Pilipinas. *Sigh* Samantala si Martin inutusan si Shykharma na patayin lahat ng babaeng kuba edad labingwalo pababa. Hala nasa peligro si Fatima! Isang araw nasira ang plumbing sa bahay nina Mang Solomon at kinailangan nilang magpatawag ng tubero.

At ang tubero, walang iba kundi si Pablo! Gustong gusto siya ng mga kapatid ni Fatima pero kung naiinis si Pablo kay Fatima lalong hindi niya gusto ang mga kapatid nito. Malapit na pala ang birthday nito at tinatanong siya ng tatay Solomon niya kung anong gusto niya. Si aling Sarah isip pa din ng isip kung pano niya madidispatcha ang kubang ampon ng asawa niya.

Iniisa isa na ni Sykharma ang lahat ng babaeng kuba sa lugar nina Martin at naghihinala na nga ang mga madre na may kinalaman si Martin doon. Malapit na din ang birthday ni Veronica at nagplano si Lourdes na ipagluto ang anak niya. Pero sa mismong araw ng birthday ni Veronica hindi nito appreciated ang effort ng nanay, magshoshopping na lang daw siya.

Sina Fatima nagpunta sa beach para sa birthday niya, takot na takot ito sa tubig. Nagtataka na nga ang tatay niya. Ano na namang kamalasan ang aabutin ni Fatima doon? Lalo't kasama niya si aling Sarah at mga anak nito.

Episode Eight

06/16/05

Patulog na sana ang tatlong madre pero biglang nasabi ni sister Cecilia na ang ipinagdarasal niya ay si Imang, na sana hindi na siya saktan pa ng kanyang mga stepsisters at stepmother. Kaya ayun halos magwala sina sister Clara at Marcelina! Pinapunta nila si sister Cecilia para magpanggap na nagbebenta ng makeup. Mukhang kukulamin na nila ang magiina. Yung makeup pala ay nagpapabait ng mga tao, tumalab naman kaya? Medyo pero nang mahugasan eh nawala na naman ang bisa ng magic.

Kaya si sister Clara naman ang susubok. Binigyan niya ng mga alahas ang tatlo at ng sinuot nila ito ay bumait sila. Kaya lang tinanggal din nila ito kaya nawala rin ang bisa ng magic. Habang nagiisip pa ng paraan ang mga madre ay nagusap si Solomon at si Imang. Magkasundo talaga sila, mabait namang nagtitiis kasi si Imang sa pamilya ng tatay niya. Di nila alam nakikinig si aling Sarah!

Si Victoria suwail pa rin talaga, umuwi kasi ito ng 2am at sinagot sagot pa ang nanay niya. Nasampal siya nito pero nagsumbong ang dalaga sa lolo niya kaya si Lourdes din ay nasampal! Si Aling Sarah nagpapanggap na mabait, kunwari ay nagsosorry siya kay Imang at niyaya niya ito mamasyal sa ilog. Pinasakay niya ito sa bangka at ng andun na ito ay iniwan niya ito. Inutusan pala niya ang bangkero na hayaang malaglag si Imang sa tubig!

Naulunod na si Imang habang sa bahay nila, si Lourdes ay nasasamid! Buti nalang may isa pang nagbabangka sa ilog at tumalon siya para sagipin si Imang.Pagbalik nung bangkero babayaran pa sana siya ni Aling Sarah pero hindi niya ito tinanggap. Matapos na maligtas nagkaaway pa si Imang at yung sumagip sa kanya. Kakaiba ah!

Paguwi ni Mang Solomon ay hinanap niya si Fatima, sabi ni Sarah hindi pa daw umuuwi si Fatima! Hindi siya naniniwala at pag nalaman daw niyang sinasaktan nila si Fatima papalayasin niya ang magiina niya. Samantala ang mga madre gumawa ulit ng isang formula para sa magiina, ang Lost River Diet daw. Pag nasubukan nila ito, sabi ni sister Marcelina ay talagang magiging mabait na ito.

Asan na nga ba si Fatima? Ayun naglalakad sa may bayan, nagtatanong kung pano umuwi pero walang lumalapit sa kanya dahil sa itsura niya. Kawawa naman! Nakauwi na rin siya sa wakas! At laking takot ng mga magiina dahil eksaktong dumating na rin ulit si Solomon! Mapapalayas na kaya sina Sarah?

Episode Seven

06/15/05

Napulot ng isang bata ang kandilang tinapon ni sister Marcelina sa labas ng bintana, sa isang banda okay ito dahil hindi sila natunton ng mga mangkukulam pero pano kung gamitin sa hindi maganda ang kandila? Samantala si Martin natagpuan sa loob ng kwarto ni Veronica at sinabi nalang niyang wala na raw ang halimaw!

Ang mga anak ni Aling Sarah nagmamaktol dahil natalo sila sa beauty pageant. Dinaya daw sila ni Fatima dahil nanguntrata pa raw ito ng artista para suotin ang gown niya. Pagdating ni Fatima sa bahay hindi naniwala ang mga kasama niya na siya yun. Ang panget panget naman daw niya! Baka daw yung gown niya ang may magic, kaya't kinuha nila yung damit sa kanya at sinuot nila pero walang effect sa kanila.

Si Martin napanaginipan ang mga magulang niya, doon sinabi ng reyna ng mga kuba na ang pinakamalaking sumpa niya ay ang kanyang anak. Inisip nilang dalawa ni Sykharma na malamang buhay pa ang anak niya kaya pumapangit pa siya. Samantala si Lucia naging maganda na ang buhay sa America, magkasundo na nga sila ng alagang si Luke na lumaki na rin.

Si Martin nagpunta sa simbahan at nagpangabot sila ni Imang doon, itinago nila si Imang at sila ang humarap kay Martin. Nasigurado ni Martin na may sikretong itinatago ang mga madre. Samantala si sister Cecilia nakakita ng pasa sa braso ni Imang, hindi na niya gustong sabihin pero nailabas na din niya ang totoo, binubugbog siya sa bahay nina Aling Sarah.

Nakita na din ng kanyang tatay Solomon ang mga pasa sa katawan niya. Pinilit siya ng ama na magsabi ng totoo pero sa galit nito ay mukhang aatakihin pa ito. Si Lucia sinuwerte nga naman sa America matapos ang mga kamalasan niya doon. Tinuring na siyang pamilya nina Dr Tennyson at ng kanyang anak na si Luke. Naging business partner siya ng dating amo at mukhang in love pa ito sa kanya.

At si Father Agaton nilapitan ni Lourdes at sinabi nito ang katotohanan na inaakala niyang totoo. At naku po ang batang nakapulot ng kandila ay binenta ito kay Lourdes pa! Naku po anong mangyayari sa kandila? At kay Imang?

Episode Six

06/14/05

Sa ospital hindi pala nagising si Lourdes, medyo naalimpungatan lang siya at naaninag si Imang pero naramdaman niya na ang kubang ito ang anak niya. Sinabi pa nga niya ito kay Martin pero imbes na matuwa ay pinagalitan pa siya nito at sinabing tumayo na sa kinahihigaan niya. Muntik pa nga makita ni Martin si Imang eh.

Lumipas ang panahon, lumaki na si Imang na isang mabuting tao kahit na hindi siya maganda. Ganun pa din ang trato ni aling Sarah at ng mga anak niya sa kanya buti nalang may mga kaibigan pa rin siya sa mga daga at ibon pati na sa simbahan kung saan bumibisita siya ng madalas. Samantala si Lucia sa wakas ay unti unti nang nababago ang alagang si Luke, nalulungkot lang pala ito dahil wala na siyang mommy. Si Lucia na ang nagalaga sa kanya.

Isang araw out of spite isinali siya ng mga kapatid sa barangay beauty contest! Naku mapapahiya kaya si Imang sa maraming tao? Buti nalang yung mga kaibigan niyang daga eh nagpunta sa simbahan at kinausap sina sister Cecilia at sister Clara. Nagulat sila dahil nagsasalita ang mga ito pero ng maikwento na ang nangyayari ay kaagad silang naghanap ng paraan para matulungan ito.

Using their magic, they called for a magic candle and lit it! At parang isang magandang panaginip, nang tawagin ang pangalan ng huling contestant, hindi isang pangit na kuba ang lumabas kundi isang napakagandang dalaga na magaling sumagot ng tanong at kumakanta. Siya pa ang nanalo sa contest na ito, samantala ang kanyang ama bumalik sa dati niyang anyo. Nagsisigaw tuloy si Victoria ng makita siya sa kwartong niya.

Patuloy namang pinanunuod nina sister Cecilia at Clara si Imang kaya lang dumating na si sister Marcelina at pinagalitan sila. Inilagay kasi nila sa peligro ang mga sarili nila, saka hanggang kailan daw nila tutulungan si Imang? Sa galit nito ibinato niya ang magic candle sa labas. Hala san mapupunta yun? Saka anong mangyayari kay Martin na isa na namang pangit na kuba?

Episode Five

06/11/05

Si Lourdes madalas ng asa may simbahan, nagbabaka - sakaling makita niya ang kubang sinasabi ng anak niya. si Sarah ang asawa ni Solomon, ang galing umarte, kunwari naiiyak pa ito dahil hindi siya kinunsulta ng asawa sa pagaampon. She even threatened to leave Solomon pero ng makita niyang parang payag pa ito eh nagdalawang isip na siya. Naisip nalang niya na magpakaplastic!

Meaning kapag kaharap nilang magiina si Solomon ay magiging mabait sila kay Fatima pero kapag wala na ito ay pwede na nilang gawin ang kahit ano sa bata. Ng umalis si Mang Solomon para sa trabaho, nagsimula na nga ang kalbaryo ng pobreng bata. Minamaltrato siya ni Sarah at mga anak nito! Grabe din ang inabot ni Imang dito, ginawa siyang katulong, pinaglaba at ikinulong pa sa loob ng kwarto ng manlaban siya!

Samantala si Lucia mukhang inaalagaan ng husto ng doctor niya, mukhang luck is beginning to change for Lucia na nga. Ang gwapo na ng doctor niya, mabait pa, inaalagaan pa siya at kinuha pa siyang housekeeper and nanny para sa anak niya. Waaah at sinong pasyente ba ang binibigyan ng bulaklak ng doktor niya? Waaah!

Si Lourdes nangungulila sa tunay niyang anak, gaya ng pagkalungkot ni Imang para sa tunay niyang ina. Sa unang araw ni Fatima sa school, natakot ang mga classmates niya. Mukhang hindi rin magiging maganda ang experience ng bata sa school niya. Walang gustong tumabi sa kanya dahil panget daw siya!

Ang anak ni Dr. Tennyson pasaway! Tumawag ba naman sa 911 para lang mapaalis si Lucia. Buti nalang dumating na si Doc para naipaliwanag ng maayos ang sitwasyon. Isang araw habang sinundo ni Mang Solomon si Imang sa school eh nakita nalang nakahandusay si Lourdes sa daan. Nasagasaan daw ito, naku nagpangabot na sina Lourdes at ang anak niya. Magkita na kaya ang nagkawalay na mag-ina?

Episode Four

Episode Three

06/09/05

Nagulat si Imang sa babaeng umiiyak matapos niyang patunugin ang kampana, para kasing tuwang tuwa ito ng makita siya. Ingatan daw niya ang sarili niya at niyakap pa siya nito. Natuwa naman si Lorenzo ng sabihin niya ditong hindi na siya aalis. Paguwi ni Jacinta ay halatang halata ang tuwa nitong nadarama.

Samantala ang ating makulit na si Imang, nadiskubre ang libro ng spells ng ating tatlong mahal na madre. Binasa niya ito ng hindi nalalaman na naaapektuhan na sina Sister Cecilia, Clara at Marcelina sa baba. Pagakyat tuloy nila napagalitan ng husto ni Sister Marcelina si Imang. Hindi naman maintindihan ng bata kung bakit, buti nalang pinagtanggol siya ni Sister Clara at Sister Cecilia.

Sinabi na rin nila ang totoo kay Imang para daw hindi na ito magkamali. Ipinakita nila sa cauldron ang kanilang pinagmulan noon. Sila'y sasapi sana sa grupo ng mga mangkukulam, nang gabing magiging ganap na mangkukulam na sila, tumakas sila sa jumbo bilao. Nakakatuwa talaga ang tatlong ito, masalimoot man ang pinanggalingan nila eh masaya pa rin sila!

Si Lucia tatakas na sana mula sa amo niyang minamaltrato siya pero sinunog nito ang passport niya. Samantala hindi naman napigil ni Imang na tulungan ang isang parokyanong hinimatay sa simbahan. Natuwa pa ang lalaking ito sa kanya at for the first time eh hindi natakot sa mukha at kuba niya. Si Solomon ito, isang mabait na parokyanong malaki ang itinutulong sa simbahan ni Padre Agaton.

Isang araw nabighani sa laro ng mga bata si Imang kung kaya't lumabas ito pero natakot ang mga bata sa kanya. Tinawag siyang halimaw at pinagbabato siya. Hinarang ni Lorenzo ang mga bato kaya tinamaan niya at nawalan ng malay. Lungkot na lungkot si Imang ng makita ang tunay niyang itsura, pilit na pinapaliwanag ng mga madre kung bakit ganun. Kawawang Imang!

Episode Two

06/08/05

Nakita ni Sister Clara si Imang na nakasilip sa simbahan, sa paglingon ni Lourdes ang madre ang nakita nito. Si Imang tanong na ng tanong at sinagot na din ni Sister Clara ito ng katotohanan. Nasaktan ang bata dahil hindi siya mahal ng sarili niyang ama. Sinubukan naman na umakyat ni Lourdes sa kampanaryo kaya lang inabutan siya ni Sister Marcelina at sinabing bawal umakyat doon.

Paguwi ni Lourdes napagalitan pa siya ni Martin dahil naiwanan nito ang anak nila. Nabigla naman ang lahat ng sinabi ni Father Agaton na ipapaampon nila si Fatima, kailangan nito ng totoong pamilya. Si Lucia minamaltrato pala sa America ng amo niya, pinipilit niyang kontakin ang kapatid. Ng makausap niya ito pinababa naman ng kanyang ama ang telepono. Sinubukan naman ni Lourdes humingi ng pera sa asawa pero hiningi nito ang address ni Lucia. Wala na bang mahihingan ng tulong si Lourdes?

May magasawa na nais magampon kay Fatima at naisip tuloy ng mga madre na itakas ang bata. Sinakay nila sa bike si Fatima at after a few minutes ay lumipad na sila. Pero may nakasunod sa kanila, mga pangit na kung anong lumilipad! Ginamitan nila ng kapangyarihan ang mga ito kung kaya't nawala din. Pagbaba nila sa lupa muntik namang silang mabangga ni Martin, buti nalang naitakas nila si Imang mula sa tatay niya.

Si Angel may naintercept na sulat para kay Lourdes mula kay Lucia at ibinigay kay Don Francisco. Nang sabihin ni Imang kay Lorenzo na aalis na siya ay nagalit ito at umalis, hirap na hirap din magpaalam si Imang sa tatlong madreng nagalaga sa kanya. Kaya lang ng inilabas na nila si Fatima at ipinakita ang bata sa magaampon ay hinimatay ang babae! Naramdaman naman ni Imang na inayawan siya ng mga magaampon sa kanya.

Nakupo si Jacinta dahil sa iba rin ang naramdaman sa pagtunog ng kampana ay inakyat ang kampanaryo. Nakita niyang buhay ang batang iniwan niya sa simbahan! Malaman na kaya ni Lourdes na buhay ang anak niya?

Unang Labas


06/07/2005

Nagbukas ang pinakabagong fantaseryeng Kampanerang Kuba sa pagkawala ng sumpa sa mga gargoyles! Ikukuwento daw nila ang kwento ng Kampanerang Kuba, siya daw ang dahilan ng pagkawala ng sumpa sa kanila.

Nanganak si Lourdes ng isang pangit na nilalang habang ang kapatid niyang si Lucia ay malapit na ring manganak. Nang makita ni Martin ang anak ay naisip niyang iyon na ang resulta ng pagtalikod niya sa kanyang tunay na mundo at pagsuway sa kanyang ama. Bumalik tayo sa mundo ng Naabukak, kung saan kasalukuyang hinahanap ng hari at reyna si Prinsipe Abuk, birthday kasi nito pero nawawala siya.

Si Prinsipe Abuk ayun nasa mundo ng tao, sinisilip si Lucia na masayang nakikipaghabulan sa magsasakang si Antonio. Nang pauwi na ito, sinubukan ni Abuk na lapitan siya pero sumigaw ito sa takot. Sa kagustuhan na maging tao ay sinunod niya ang payo ni Sykharma, kinuha niya ang lahat ng kayamanan ng kaharian nila at ininom ang mahiwagang likido para siya'y maging tao! Namatay ang lahat ng Naabukak pero wala ng pakialam ang prinsipe! Naging tao nga si Abuk at ito ang nakaraang itinatago ni Martin.

Si Jacinta, pinuntahan ni Antonio dahil manganganak na daw si Lucia pero nahuli siya ng mga tauhan ni Don Francisco at binalian pa siya nito ng binti. Si Lucia nanganak na magisa at sa pagod nawalan ito ng malay, pagkagising ni Lucia wala na ang sanggol niya. Sinubukan ni Martin na painumin ng Wali ng Naabukak ang sanggol pero namatay ito kung kaya't inutusan niya si Jacinta na ilibing ang sanggol.

Nang tumunog ang kampana nabuhay ang sanggol, naawa si Jacinta kung kaya't dinala niya ito sa may simbahan at iniwan niya ito doon. Nakuha ni Padre Agaton ang sanggol na may kasama pang note na nanganganib ang buhay ng batang iyon. Samantala si Don Francisco pinalabas na anak ni Lourdes ang sanggol na kinuha nila kay Lucia, pero malakas ang kutob ni Lourdes na hindi iyon ang anak niya. Sa simbahan gulat na gulat naman ang mga madre sa hitsura ng baby na iniwan sa simbahan.

Si Lucia sumugod sa bahay niya dati para hanapin ang asawa at anak niya pero itinakwil lang siya ng kanyang ama. Si Lourdes naman tinanong si Jacinta tungkol sa mga pangyayari noong gabi ng kanyang panganganak, pero nagdeny si Jacinta. Naisip tuloy ni Lourdes ang kanyang nakaraan, sa araw na nakilala rin ng niya ang pilantropong si Martin de Vera. Noon pa lang ramdam na niya na gusto ni Martin ang kapatid niyang si Lucia, gumawa pa ng paraan si Don Francisco para gustuhin si Martin.

Pero siya nainlove siya sa lalaki at tinulungan siya ni Lucia. Siya ng siya ang sumama kay Martin tuwing gabi dahil si Lucia tumatakas parati. Isang gabi ibinigay niya ang lahat kay Martin, mahal niya kasi ito. Nabuntis siya and the rest is history ika nga. Samantala ang batang kuba ay bininyagang Fatima ni Padre Agaton, sinubukan ding alamin ng tatlong madre kung saan galing si Fatima at kung sino ang may tangka sa buhay niya. Mangkukulam pala itong tatlong ito at nakita nila sa mahiwagang wok kung ano ang nangyari kay Fatima bago siya nakarating sa kanila. Hindi nila malaman kung ano ang gagawin kay Fatima ngayong alam nilang sobrang kawawa pala ito. Si Jacinta inutusan ni Don Francisco na magabot ng tulong kay Lucia at papuntahin ito sa malayong lugar.

Lumipas ang panahon at lumaki na rin si Fatima sa ilalim ng alaga ng mga madre, isang araw nakita ni Fatima ang sarili niya sa planggana at napasigaw siya. Kawawang bata! Samantala ang anak ni Lourdes lumalaking salbahe, kaya laging napagiinitan ng nanay niya. Si Fatima, fondly called Imang sa simbahan ay nagiging makulit na din. Lumalabas na ito kung saan may maraming tao eh ayaw siyang palabasin nina Sister Cecilia, Marcelina at Clara.

Isang araw nadiskubre niya ang kampana at dahil sa nagaaway ang mga madre kung sino ang magpapatunog nito ay sinakyan niya ang tali. Napakagandang tunog ang lumabas mula sa kampana kung kaya't mula noon siya na ang batang kampanera. Dumami ang mga taong nagsimba bigla! Sa tuwa ni Imang ay sumilip siya, sabay lingon naman ni Lourdes na nagsimba nung araw na yun. Magkita na kaya ang magina?

Taken from ABS-CBN Website

Monday, October 31, 2005

Episode

Paganda ng Paganda ang Kampanerang Kuba